12

1107 Words

“WHY DO you always make me do things that I’m not comfortable doing?” “Because you indulge me all the time,” tugon ni Phylbert kay Jace habang ipinapaikot niya ang kanyang mga braso sa leeg nito. Nasa hardin sila ng kanilang bahay at niyaya niya itong magsayaw. Sinadya niyang maglagay ng maraming citronella candles sa paligid hindi lang dahil sa lamok kundi dahil nais niyang mag-set ng romantic mood. Isang buwan na ang relasyon nila at siya na marahil ang pinakamasayang nobya sa buong mundo. Kahit na ano ang hilingin niya ay pinagbibigyan ng nobyo. Madalas na magrereklamo at makikipag-argumento muna ito sa kanya, ngunit ginagawa pa rin nito sa bandang huli ang lahat ng hilingin niya. Naroong hilingin niya na dalhan siya nito ng pumpon ng bulaklak at tsokolate kapag pinupuntahan siya nito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD