NANG mga sumunod na araw ay hindi gaanong nakita ni Phylbert si Jace. Pareho silang abala. Malapit nang matapos ang semestre at napakaraming projects ang dapat niyang tapusin. Kailangan niyang mag-aral para sa finals. Abala rin ang kanyang nobyo sa pag-aayos ng mga requirement nito sa graduate school. Napakarami rin nitong trabaho sa opisina. Ang dinig niya, malapit na itong ma-promote sa mas mataas na posisyon kaya mas nagsusumikap ito. Pati si Joaquin ay abalang-abala sa trabaho nito. Hindi na rin nito gaanong nakakasama si Penelope dahil marami itong natatanggap na job offers. Dahil limitado lang ang panahon nito sa pagiging full-time photographer ngayon, sinusunggaban nito ang bawat oportunidad. Dahil na rin marahil sa sobrang kaabalahan niya kaya madalas siyang nakakaramdam ng pagod

