INI-LOCK ni Phylbert ang kuwarto niya sa kabila ng babala sa kanya ni Joaquin. Kailangan nila ng privacy ni Jace. “You can’t be with Penelope,” aniya bago pa man ito makapagbuka ng bibig. Namilog ang mga mata nito. Hindi pa nito alam na alam na niya ang lahat. “H-how?” “`Doesn’t matter. Alam ko kung bakit kakausapin mo si Kuya. Aamin ka sa kanya, hindi ba?” He pressed his lips together in a hard line. Hindi nito masalubong ang nag-aakusa niyang mga mata. “You selfish jerk!” Hindi niya alam na masasabi niya ang ganoon kapangit na salita sa lalaking pinakamamahal niya. Hindi niya napigilan ang pag-ahon ng matinding galit sa kanyang dibdib. Lalo itong hindi makatingin sa kanya. He looked tortured and guilty. “Hindi mo man lang inisip ang mararamdaman ni Kuya Joaquin. He has been your

