PAGKATAPOS na pagkatapos ng finals ay nilapitan ni Phylbert si Penelope. “Mag-usap tayong dalawa. Sumunod ka sa akin,” aniya sa malamig na tinig. Tahimik itong sumunod sa kanya palabas ng classroom at palabas ng building. Sinadya niyang dalhin ito sa likod ng graduate school building. Nais niyang mabahiran ang lahat ng magagandang alaala nito roon ng hindi magandang alaala. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa. Hindi niya ito gustong makaharap at makausap nang matagal. “Kakausapin ka ni Kuya mamaya. Wala kang sasabihing anuman tungkol sa lintik na nararamdaman mo tungkol sa boyfriend ko. Sasabihin niya sa `yo ang tungkol sa job offer sa kanya sa States. He’s hesitating because of you. Kumbinsihin mo siyang tanggapin ang trabaho. Wala akong pakialam kung ano ang sasabihin mo basta kailangang

