20

2039 Words

Boston Five years later “WHERE ARE we going?” nagtatakang tanong ni Phylbert sa nobyo niyang si Juan Cristobal. Iginiya siya nito papasok sa isang pinto. Wala siyang ideya kung nasaan sila. Nang sunduin siya nito kanina sa kanyang apartment, ang buong akala niya ay dederetso sila sa party ng ina nito. Labis siyang nagtaka nang huminto ang sasakyan sa isang commercial street. Papasok sila ngayon sa isang pinto na ang hula niya ay rear entrance para sa staff ng isang shop. “Trust me,” sabi nito. “JC, I’m not going in unless you tell me what’s in there.” He rolled his eyes. “Jewelry.” “Ha?” “Mga alahas ang nasa loob ng shop na ito,” nakangiting sabi nito. Ayon dito, mula nang makilala siya nito ay naging madalas na ang pagsasalita nito ng Tagalog. Purong Pilipino si Juan Cristobal Boyc

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD