HINAYAAN ni Phylbert na malaglag ang kanyang mga luha. Pumalatak si Juan Cristobal na katabi niya. “Don’t say a word and eat your bagel,” aniya habang hindi inaalis ang kanyang mga mata sa laptop. “You’ve watched that movie a million times already. When are you gonna get over it?” anito bago kumagat ng bagel. Nasa apartment niya ito nang gabing iyon. Katatapos lang ng shift nito at ito ang nagdala ng dinner nila. Pareho silang walang common sense sa kusina. “I’ll get over it if Melanie signed those divorce papers and married Andrew. God, I truly hate you, Melanie,” sabi niya kay Reese Witherspoon pagkatapos sabihin ni Andrew ang mga katagang, “Wow, so this is what it feels like.” Hindi itinuloy ni Melanie ang kasal nito kay Andrew dahil mas pinili nito si Jake na minahal nito mula pa no

