9

1816 Words

“I KNOW he wants to dance with you all night, honey.” Nginitian ni Phylbert si Tito Lyle. Nagsasayaw na sila sa dance floor. “I know, Tito Lyle. You don’t have to explain. Hindi naman masama ang loob ko. Alam kong napikon lang siya kay Ramil kaya nag-bid siya kay Pen. He did it for Joax.” Napatingin siya kina Penelope at Jace na nagsasayaw rin. Natigilan siya. Hindi siya nakagalaw. They were looking at each other. Hindi maputol ang tinginang iyon. Tila lulong ang mga ito sa sariling mundo. Walang kasinsuyo ang mga mata ni Jace na nakatunghay kay Penelope. May kung ano rin sa tinging ibinibigay ni Penelope kay Jace na hindi niya mapangalanan. Biglang kumabog ang kanyang dibdib. Hindi niya gusto ang nakikita niya. It was like they were having a moment. “You’re overthinking things, baby,”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD