“`WAG MONG kalilimutan `yong party ni Mommy sa Sabado, ha,” ani Phylbert kay Penelope habang palabas sila sa huling klase nila nang araw na iyon. “Kailangan ba talagang naroon ako?” nakangiwi nitong tanong. “Of course, Pen! Hindi puwedeng wala ka roon. Sige ka, pagkakaguluhan doon ang kuya ko. Baka mawalan ka ng lovable na boyfriend.” Tumawa ito. “Hindi naman siguro basta na lang babaling si Joaquin sa ibang babae dahil lang wala ako ro’n. Alam mo namang hindi ako gaanong kumportable sa mga ganyang pagtitipon.” “Tama ka. Pasalamat ka patay na patay talaga ang kapatid ko sa `yo. Basta dapat nandoon ka. Mas charity event `yon kaysa sa sosyalan na party.” Magkakaroon ng benefit auction at lahat ng malilikom nila ay mapupunta sa charity. Mula nang pakasalan ni Mommy Bianca si Daddy Hiram a

