PAGMULAT ni Phylbert ng kanyang mga mata ay puting kisame ang bumungad sa kanya. Kaagad na nagsalubong ang kanyang mga kilay; pale pink ang kulay ng kisame sa kuwarto niya. Sinubukan niyang bumangon ngunit nanghihina siya. “Don’t move, baby.” Napatingin siya sa pinanggalingan ng tinig. Ang nakangiting mukha ni Mommy Bianca ang kanyang nakita. Napansin niya na bahagyang namumula ang mga mata nito. Tila kagagaling lamang nito sa pag-iyak. “W-what happened? Nasaan po ako?” Hindi niya maalala kung ano ang nangyari pagkatapos nilang mag-usap nang masinsinan ni Tita Rachelle kagabi. Pinakiramdaman niya ang kanyang katawan. She felt so tired. She was a little dizzy, too. Umupo ito sa gilid ng kama niya at hinagkan ang kanyang noo. “Nasa ospital ka. Dinala ka rito ni Rachelle kagabi. Tinawaga

