6

1397 Words

Nang makaharap na ni Jace ang tinutukoy ni Joaquin na espesyal na babae nito ay napatanga siya. Joaquin was right. He would love her. In fact, he already did. Dahil ang kanyang Penelope ay walang iba kundi ang Penny ni Joaquin. Napuna niya na natigilan ang dalaga at bahagyang nanlaki ang mga mata nang makita siya. Hindi rin marahil nito inasahan na may kaugnayan siya sa magkapatid. Hindi niya maalis ang kanyang mga mata rito. Hindi niya gaanong pinansin ang pagyakap sa kanya ni Phylbert. Pinanood niya si Joaquin na lumapit kay Penelope at inalayan ito ng mga bulaklak. Bakas ang pag-aalangan sa mukha ni Penelope pero tinanggap pa rin nito ang mga bulaklak. Naiinggit at nasasaktan siya. Siya dapat ang nag-aalay ng mga bulaklak dito. “Pen, this is Jace, the love my life. Jace, honey, Pene

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD