4- “Where it all started."

1356 Words
"Who among you can recall our topic yesterday?" Tulad ng lagi ay bibang-biba at nagpapabida ang first year high school student na si Vien sa loob ng classroom sa pag-recite sa tanong ng guro na nasa harapan. "Cher! Ako po, cher!" She has always been like this. Aggressive na mapansin at maipakita ang natatanging kagalingan at katalinuhan sa klase. "Uh-huh. Yes, Miss Imperial?" Tuwang-tuwa siya na tila nakaisa sa mga kaklaseng kapwa nag-recite para sumagot ngunit heto nga at siya ang pinili ng teacher nila. "Yesterday, we tackled the difference between synonyms and antonyms, teacher." The English teacher smiled because she already knew it was coming. Mula pa lang no'ng una ay pansin na ng halos lahat ng subject teachers mula sa klaseng ito ang aking galing ng isang Vien Imperial. "Okay. Can you briefly discuss the difference between these two?" follow-up question pa ng teacher. Vien nodded confidently. Wala yata siyang hindi alam pagdating sa mga tinuturo sa kanila, 'no! "Of course, cher. Synonyms are one of two or more words or expressions from the same language with the same or nearly the same meaning in some or all senses, while Antonyms are words with opposite meanings to other words." "Alright. Very good, Miss Imperial. Thank you. So, to recall, yesterday we talked about the differences between synonyms and antonyms. Synonyms are words with similar meanings, and antonyms are words with opposite meanings. Let me give you examples..." And the discussion went on and on. Vien, as usual, was very attentive, at dapat ay wala siyang pinalalagpas. Hindi puwedeng may mapalagpas at baka makaapekto pa sa grades niya at sa finals. Hindi maaari iyon dahil hindi siya pupuwedeng malagpasan ng kahit na sino sa mga kaklase. She was always aiming to become number one in class. Walang nagbago, and she had the same energy and aggressiveness nang tumuntong siya ng second year high school. "Ang Pabula ay isang uri ng kuwento na ang mga tauhan ay mga hayop at kapupulutan ito ng aral." Vien was taking down notes, nonetheless kung may hand-outs na siyang in-allow ng guro nila kahapon na i-photocopy para may sari-sariling kopya sila. She still had to do this to make sure she wasn't missing anything. "May mga salitang ginagamit sa pagtatanong. Ngayon, sino sa inyo ang makakapaglapag isa-isa kung anu-anong mga salita iyon?" "Sir! Ako po, sir! Alam ko po 'yan!" Kahit pa nga'y nagsusulat ay itinaas pa rin niya ang kamay na may hawak na ballpen. "Sige, binibining Imperial. Anu-ano ang walong salitang ginagamit sa pagtatanong?" "Ang mga salitang iyon ay Ano, Sino, Saan, Kailan, Bakit, Ilan, Magkano, at Paano." "Tama. Salamat, binibini. Ang mga sunusunod na salitang nabanggit ni binibining Imperial ay mga ginagamit kung tayo ay nagtatanong…" Hindi naman napupunta sa wala ang lahat ng hardwork ng dalagita dahil palagi nga siyang nangunguna at walang nakapapantay sa galing niya. Palagi ay hakot award siya kapag recognition days na. The greatest BUT here and the only exception ay ang pinakamamahal niyang ina. No matter how she was appreciated and praised and looked up to by people around her especially at school, her classmates, schoolmates, teachers, and even school heads, palagi pa ring may kulang at hindi pa rin siya nakukuntento dahil tila hindi makita ng ina ang mga nakikita ng mga tao sa paligid niya. Ang kanyang angking galing at talino. Kahit kailan nga, 'ni hindi man lang nag-abalang um-attend ang ina sa recognition upang sabitan siya ng medal, samahan sa stage to receive her awards, certificates, and trophies of her victories representing the school for local, interschool academic and literary contests and competitions. Ganoon siya kagaling at ganoon siyang ipinagmamalaki ng paaralan para ipadala sa iba't-ibang patimpalak na matagumpay niyang nauuwian ng mga kapanalunan. Samantalang no'ng si ate Marjorie, her older sister, ang gum-raduate sa college? Vien had witnessed how happy and proud their mother was of the latter. Kitang-kita na mahal na mahal ng ina ang kanyang kapatid. Imbes na magtanim ng galit ay mas ginamit pa nga ni Vien na motivation ang selos at inggit na nadama sa kapatid to do and strive more para magpakitang-gilas sa ina at nang sa gayon ay mapansin at mahalin din siya nito kagaya ng kung paano nitong naa-appreciate at ipinagmamalaki ang kanyang kapatid. Someday, mommy… I'll make sure you'll also be proud of me like how you're proud of ate Marj. Sa ganoong kadahilanan, namuo sa batang isipan ni Vien na hindi sapat na number one lamang siya sa klase, so, she dreamed of even higher things. And the goal for the entire high school years was to become Valedictorian. Nagbabaka sakali siyang kapag naging Valedictorian siya'y pupunta na rin ang mommy niya sa recognition and graduation day para samahan siya sa stage at sabitan ng medalya. Baka kapag dumating ang panahong 'yon ay maging proud na rin ang mahal niyang ina sa kanya at mahalin na din siya kagaya ng pagmamahal nito kay Marjorie. Everything was going according to plan, until one day, may biglang dumating na epal, and little did she know, he was sent to ruin all of her hard work! "Halika, hijo. Introduce yourself sa bagong magiging mga classmates at kaibigan mo simula sa araw na 'to." "Hello, I'm Tristann Lee. I'm a transferee and I will be your new classmate. I hope to get along and make friends with you all." Three days pa lamang simula nang magbukas ang klase at third year high school na sina Vien. At first few days and week, Vien didn't care about this transferee. Para nga sa kanya'y katulad ng iba niyang classmates, para lang itong hangin na dadaan-daanan niya't wala siyang pakialam, hindi niya pansin. Not worth of her time at all, kasi wala naman siyang makukuha at ano pa man. "Vien, gusto mong sumali sa amin?" tanong ng isa sa mga lalaking kaklase niyang sipunin at naglalaro ng piko sa labas ng classroom. Recess time pa kasi, eh. "Kayo na lang," kibit-balikat na aniya at nilagpasan ang mga ito. "Kill joy talaga kahit na kailan!" Nadinig pa niyang sinabi ng isa sa players na babae. Hindi na niya binigyang pansin o nilingon pa 'yon. Para ano pa? Eh, wala rin naman siyang makukuha! Napailing na lang ang mga classmates niyang nakatanaw sa kanya. Si Tristann Lee na nakasunod ang mga mata sa kanyang gawi sa pagpasok sa classroom nila'y hinila na ng mga kasama para magpatuloy sa paglalaro. She started to open her notes and books para mag-study and review sa lessons nila the past few days for the next subject. May quiz daw sila, eh. That's why instead of wasting her time sa paglalaro sa labas, dito na lang siya kakain sa kanyang desk habang nagbabasa. Nais niyang ma-perfect ang quiz later! Isang araw pa'y may upcoming pre-test sila sa Science subject, and Vien was reading her notes all the way. Mine-memorize na nga niya ang halos lahat ng nakasulat sa Periodic Table, eh. And Tristann sat down on the empty chair beside her. "Why are you sitting here?" maarte nga niyang tanong habang nakataas-kilay dito. Bahagya at nahihiyang nagkamot ito ng ulo. "Uhm, naiwan ko kasi 'yung Periodic Table ko sa bahay, eh. Nakalimutan ko dala ng pagmamadali ko kanina. Puwede namang maki-share muna sa 'yo, 'di ba?" She almost rolled her eyes. "Excuses." "Uy, hindi. Totoo talaga 'yon, Vien. Nakalimutan ko talaga kanina dahil nagmamadali na ako, baka ma-late pa, eh." "May kasabihan nga tayo–kung gusto may paraan, kung ayaw maraming dahilan. If you really wanted to bring it with you, edi dapat kagabi pa lang before you slept or the other day, nilagay mo na sa loob ng bag mo at nang hindi mo nakakalimutan," mahabang litanya ng pagle-lecture niya dito. Sa muli ay napakamot na lamang ito ng ulo. Parang lalo tuloy nahiya dahil sa pagsusupalpal niya pero totoo din naman kasi ang sinabi nito na nakalimutan lang talaga nitong dalhin 'yon. There were times na hindi nakalalagpas sa pansin ng dalagita kung paanong halos pilahan si Tristann ng mga babaeng classmates at ilang schoolmates nila na para bang celebrity ito at instant crush ng bayan o campus hunk!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD