3- “Mother issues…”

613 Words
“SI mommy po, manang Pilar?” tanong ni Vien sa tanging kasambahay na katuwang nila sa loob ng bahay pagkauwi niya kinahapunan galing eskuwelahan. “Nasa kuwarto niya, hija. Hindi nga pumasok ngayon sa opisina, eh.” “Ha? Bakit naman ho?” “May sakit. Sinisipon at may sinat. Malamang, napagod nitong mga nakaraan kasi nakita mo naman kung gaano siya kaabala sa Foundation Anniversary celebration ng company ninyo, ‘di ba?” Nag-alala siya. “Ganoon ho ba? Kamusta na ho siya ngayon?” “Maayos-ayos na ang lagay niya’t nakapagpahinga at buong maghapon nang nakatulog. Malamang nababawi na niya ang kanyang lakas. Ang mabuti pa’y puntahan mo na siya’t nang makita mo rin mismo ang lagay niya.” “Sige ho. Salamat, manang.” Ngumiti ang kasambahay at siya nama’y dumiretso na nga sa taas para tunguhin ang kanyang ina sa kuwarto nito. Kumatok siya at sumagot naman ito na pasok lang kaya ‘yon nga ang kanyang ginagawa. When she opened the door, saglit na napatingin sa kanya ang mommy niyang kasalukuyang may pinagkakaabalahan sa cellphone nito na katawagan. Napalis ang ngiti nito at nagpaalam na sa kausap. Nagtuloy-tuloy naman si Vien para lapitan ito. “Sige na, Marjorie. Your sister is here. Usap na lang ulit tayo later, tawagan mo ako. Bye. Take care. Love you!” Saglit na naramdaman ni Vien ang pamilyar na kirot sa kaibuturan ng kanyang puso sa pagiging likas na malambing ng kanyang ina sa nakatatandang kapatid niyang kasalukuyang nasa Abroad, samantalang sa kanya ay napakalamig ng pakikitungo nito. All through these years ay ganoon na ito sa kanya ngunit hindi pa rin yata siya masanay-sanay man lang… “What are you doing here?” Hayan at malamig pa sa yelo ang tinig nito habang hindi man lamang siya matingnan. “Mom, manang Pilar told me na may sakit daw kayo? Kamusta na po ang pakiramdam ninyo?” As usual, she has always been so caring when it comes to her mother. Marahang idinantay niya ang likod ng palad sa noo nito para i-check ang body temperature nito. She’s glad na hindi na iyon masyadong mainit, ibig sabihin ay maayus-ayos na nga ang pakiramdam nito. “I’m okay now,” balewalang sagot lamang nito. Ngumiti si Vien nang may naisip bigla. “Alam ko na, ipagluluto ko na lang kayo ng favourite ninyong chicken soup, mommy, para mas mapabuti pang lalo ang pakiramdam ninyo at makahigop kayo ng mainit at masarap na sabaw ng paborito ninyo—“ Her bubble bursted when her mom suddenly cut her off. “No need. Ginawan na ‘ko ng lugaw ni manang Pilar kanina kaya ayos na ako at busog na ako. Ang mabuti pa’y iwan mo na muna ako.” Ang excited na ngiti tuloy sa mga labi ni Vien ay napalitan ng lungkot. “Ah, gano’n po ba, mommy? Pero baka lang naman po gusto ninyong kumain ulit—“ Padarang na tinalikuran na siya nito bilang tahimik na pagtugon at pagtaboy sa kanya. Nagtalukbong ito sa kabilang side ng kama at walang pakialam na inabala na ulit ang sarili sa pagce-cellphone. Napabuntong na lamang si Vien at malungkot na ring lumabas sa kuwarto ng ina. Kahit kailan yata ay hindi siya masasanay kaya nga lagi niyang ginagalingan sa lahat ng bagay, eh, lalo na sa eskuwela. Maging proud man lang ito sa kanya at kahit minsan ay ma-appreciate siya… pero parang wala pa rin. Wala talaga. But she’s not giving up. Kahit pa paulit-ulit siyang itataboy ng mommy niya, hindi niya ito susukuan. Hindi siya susuko hanggang bumalik sila sa dati na malambing ito sa kanya at mahal na mahal siya nito…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD