Chapter Twenty Five Keanu’s POV Mabuti na lang at nawala na ang lungkot sa mukha ni Mama nang nasa isang restaurant na kami kasama si Ate Samantha. Ate was doing her best to cheer Mama up. Umuwi din naman kami agad ni Mama dahil may pasok pa si Ate. Kinailangan na niyang bumalik sa opisina kaya hinatid na namin siya ni Mama bago kami umuwi. Noong kinagabihan ay maagang umuwi si Papa. Ni hindi ko siya pinansin nang magkasalubong kami kahit na pinanlalakihan na ako ng mata ni Mama. “Have you eaten already?” tanong ni Papa kay Mama. Umiling si Papa. “Not yet,” he said. “I want to have dinner with you,” ani Papa. Parang gusto kong matawa at barahin siya pero hindi ko na lang ginawa. Ayaw kong may mahalata pa si Mama sa aming dalawa. “Kinain mo ba iyong ibinigay

