4

1256 Words
"Wala kang pasok?" tanong ni Artemis sakin nag aayos ng bag niya, inaantay din si Aphrodite. "Day off ko." sagut ko habang nagbabasa ng libro. Nakaupo lang ako sa sofa. Siya din umupo na rin, lalo pat ang tagal kumilos ni Aphrodite. Madaming kaikikan sa katawan yung babaeng yun. "Hmm, oo nga pala. Mag go-grocery ka ba ngayon?" Tanong niya. Anong araw ba ngayon? Nakalimutan ko na. Pero dahil nasabi narin naman niya ay baka mag grocery nadin ako total wala naman akong gagawin ngayong araw maliban sa paghatid sa school nung dalawang bulinggit na yun. "Mamaya pa siguro, ihahatid ko kasi yung dalawa sa school. " Sagot ko naman. Nasa kinder na kasi yun. Six years old na. Medyo late nga e. Nag aalangan pa kasi si Artemis kung ihohome school o physical school yung gagawin niya. At mukhang gusto naman ni Thalia yung sa totoong school siya mag aral, i mean yung physical na araw araw siyang papasok. Doon ko na din pinag aral si Angelina. Ginawa kong scholar. Wala din naman akong paggagastusan ng pera ko. Matagal pa akong mag aasawa. Ni hindi ko nga alam kung gusto ako ng gusto ko. Aanhin ko naman yung limpak na salapi meron kami. Hindi naman yun madadala hanggang libingan. Mas gusto namin yung makatulong kesa mamuhay ng marangya. Kita niyo naman. Ang dami naming pera pero ayaw namin tumira sa mansyon. Lima lang naman kami. Sakana pag may kaniya kaniya na kaming pamilya. Tapos hati pa kami sa gastusin dito sa bahay. Si Alectrona sa mga bills, ako sa grocery, tapos si Artemis at Aphrodite yung nagsusweldo sa mga trabahante dito. Tapos taon taon kaming sumasali sa mga charity. Kahit ako yung may ari ng hospital na pinagtatrabahuhan ko ay ayokong naka upo sa swivel chair sa isang air-conditioned office. Mas gusto ko yung nasa field. Kaya nga may secretary ako para sasabihan na lang ako kung may importante sa office. May tiwala naman ako dun. Subukan niya lang trumaydor hindi sisikatan ng araw yun. Joke lang, haha. "May ipapabili sana ako sayo. Tinatamad na akong puntahan eh. May runway kasi kaming dadaluhan ni Aphrodite." aniya "Ano naman?" "I need feminine stuff." Aniya. Oh. Yeah right. Ako din wala ng stocks. Sila Alectrona at Aphrodite kaya? Pero si Aphrodite napaka arte noon sa katawan, imposibling maubusan yun? "Iyon lang ba?" I asked. "Oo, yun lang." "Sige, dadamihan ko na lang para hindi na tayo nagkakaubusan, naubusan na din kasi ako. Nakakalimutan ko at tinatamad naman akong sumaglit." aniko at tumango na rin naman siya. Ilang saglit pa ay bumaba na si Aphrodite. Bitbit ang duffle bag niya, ganun din naman si Artemis. "Saan kayo?" tanong ko dahil mukhang hindi sa Pinas ang ganap ng dalawa. "Dubai." sagot ni Aphrodite "Hindi kayo makakauwi?" "Bukas pa, nagpaalam na naman ako kay Thalia." sagut ni Artemis. "Oh, hala sige humayo na kayo at baka kayo pay maiwan ng flight niyo." Pang tataboy ko sa kanila. "Hindi naman halatang pinapalayas mo na kami no?" Pabirong ani ni Aphrodite. "Hindi naman, sa tagal mo ba namang mag ayos. Ay baka late na kayo. " Pangbabara ko naman sa kaniya. Bilib din kasi talaga ako sa tagal niyang mag ayus. Kami nakagayak na siya nagme- make up pa. Para namang ang daming kailangan i ayos ng mukha niya. "Whatever. Alis na kami. " aniya at nagpaalam na . "Ingat kayo." habilin ko at kumaway lang sila. Isang sasakyan lang gamit nila. Siguro para isang space lang magamit nila o tinatamad si Artemis mag drive. Well, kapagod naman talagang mag drive. Ilang saglit pa ay nakarinig na ako ng mga maliliit na sigaw. "Mama Athena, let's go na po. We're late na." sigaw ni Thalia habang pababa ng hagdan. Napaka conyo ng batang ito. Kung hindi niya siguro nakilala si Angelina, malamang sa malamang hindi makakaintindi at makapagsalita ng tagalog ang batang ito. "Thalia, 9 am pa pasok niyo at 8:30 pa lang." sabi ko ilang saglit lang ay sumulpot na si Angelina "Tita Athena, mas maganda po pag maaga kaming papasok para madami kaming friends." aniya niya naman. "Ikaw talagang bata ka. Pasensya na hija ha, ang kukulit ng mga paslit." hinging paumanhin ni Manang Sicil. "Naku ayos lang po manang. Ang cute nga e, at least may paslit na naggagala dito sa bahay." "Oo nga naman po ma'am. Ikaw po ba?" Aniya sakin, ang hilig talaga ni manang isingit yung ganuong usapin sakin. Hays. " Si manang Sicil talaga, oo. Hindi pa ako crush ng crush ko manang, pano ako magkakaroon ng supling?" Nagpapacute kong ani. Mukhang effective naman din dahil natatawa siya. Eh sa kilala niya na kami lahat dito, at para niya na din kaming tunay na anak kung ituring niya. Wala naman kaming problema dun. Nakakatuwa pa nga eh. "Oh siya, heto na snacks niyo. Huwag kayong magulo sa school ha." habilin ni manang bago kami iniwan sa sala lalo at may gagawin pa daw siya. Tumango lang naman ang mga paslit. Tumayo na din ako at kinuha ang cellphone , wallet at susi sa lamesa bago kami pumunta sa garahe. Hindi na ako nagpalit, nasa malapit lang naman yung pinapasukan nilang kindergarten. "Pasok na kayo, isuot ang seatbelt okay?" " Yes po." sabay nilang sagot at sinuot nga ang seatbelt. Sumakay na din ako sa driver seat bago minaneho ang kotse. Bumusina muna ako kay manong bago tuluyang lumabas. Hindi din naman ganoon ka layo ang school na pinasukan ng dalawa dahil may malapit na private school sa labas ng village. Kung lalakarin ay siguro nasa mga 15-20 minutes lang. Pinarada ko muna ang sasakyan bago bumaba at umikot para pagbuksan sila ng pinto. Hawak ko sila sa magkabilang kamay at huminto sa may gate dahil hindi na ako papasok sa loob lalo pa't ang inappropriate yung damit ko. "Good morning po ma'am." bati ng guard. "Morning din po. " bati ko pabalik "Behave kayo sa loob ha? Huwag magulo at pakabait kayo kay teacher. Yung baon niyo share niyo sa classmates niyo kung wala silang baon or kung gusto nila kumain ng baon niyo. At ano ulit yung bilin ko sa inyu tuwing uwian?" "Huwag lumabas pag wala pa ang susundo." sabay nilang sabi. "Very good. Now give me a kiss para pumasok na kayo." Sabay naman nila akong hinalikan sa magkabilang pisngi at kumaway bago sabay na pumasok sa loob. Umalis na din ako pagkatapos at dumeretso na sa warehouse para mag grocery. Medyo malayo yung warehouse samin kaya 30 minutes drive yung ginawa ko. Hindi nadin ako nagpalit ng damit dahil saglit lang naman ako sa labas. At least may damit ako, kahit nakapambahay lang. Pagkarating ko ay pinarada ko lang sasakyan ko sa bakanting space at sinuguradong naka lock bago ako pumasok sa loob. Binati pa muna ako ng guard at nagtuloy tuloy na ako papasok. Kinuha ko yung malaking pushcart dahil madami dami yung bibilhin ko ngayon. Paubos na kasi yung stocks sa bahay pati yung mga essentials ko paubos na din. Kailangan ng mag restock. Inabot ako ng dalawang oras sa kalilibut sa loob ng store bago ko binayaran sa cashier. Huwag niyo ng tanungin kung magkano lahat dahil talagang mabubutas bulsa niyo. Nilagay ko ulit sa pushcart yung mga supot ng grocery ko bago lumabas tulak tulak ito. Binuksan ko ang trunk bago inilagay sa likod lahat ng pinamili ko. Nilagay ko naman sa pwesto yung pushcart para hindi na mahirapan yung mga stuff. Bigla na lang nag ring yung phone ko kaya tinignan ko kung sino. Unknown calling...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD