I nervously tapped my fingers in steering wheel. Siguradong mabubungangaan ako ni engineer.
Takte naman kasi. Ba't ko nakalimutan yung oras. Alas tres na ng madaling araw tapos kaninang alas nuebe pa ako nagsabing pauwi na ako. Eh wala naman ako sa probinsiya. At paniguradong alam nila kung saan ako pumunta. Yun pa.
Nang maiparada ko yung sasakyan sa garahe ay lumabas agad ako. Ang dilim ng bahay, tulog na kaya sila?
Dahan dahan kong binuksan yung pinto. Lalo pa't parang pusa si Alectrona. Kahit anong hina ng hakbang mo, naririnig niya.
Akala ko tulog na sila pero parang tumalon ang puso ko sa gulat ng bumangga ako sa isang bulto.
Patay.
"Anong oras na?" kalmadong tanong ni Alectrona.
"Ahh, 3:34 am na."
"Bakit ngayon ka lang? Seven hours ba yung byahe mula dito hanggang sa pinag volunteer-an niyo? Sa bilis mong magmaneho?" tanong niya ulit
"Ah, eh nagkaroon ng insidenti kaya ngayon lang ako."
"Hmm, sge. Papalagpasin kita ngayon pag naulit malalagot ka na sakin." aniya bago tumalikod at umakyat.
Whooo! Katakot talaga yung babaeng yun.
Hindi na lang ako nagreklamo at umakyat na sa silid ko.
Dumeretso na agad ako sa banyo para maglinis ng katawan.
I set the shower in hot temperature bago ko sinuot ang katawan sa shower.
Nanglumapat ang tubig sa katawan ko ay may umalpas na ungol sa bibig ko dahil narerelax nito ang pagod ko sa katawan.
I don't take long in shower lalo nat inaantok na ako.
Humarap muna ako sa salamin para naman sa skincare ko. Hindi ako mahilig sa make up kaya sa skincare routine ko binabawi ang lahat sa mukha ko. Though in born na akong maganda.
Wow, nagbubuhat ng sariling bangko ha.
Sabi ng kabilang utak ko. Tss.
Nag toothbrush muna ako bago ginawa ang night routine ko. Mga anim na step lang din naman yung night routine ko. Cleanse, exfoliate, toner, moisturize, serum, and night cream.
Pagkatapos ko sa mukha ay naglotion na ako. I like the smell of shea butter, kaya halos lahat ng body skincare ko ay Shea butter kasama na hair essentials ko, yung sa mukha ko lang hindi shea butter, kahit yung labi ko shea butter din kasi.
Nag tungo na ako sa kama pagkatos at doon na nagblower ng buhok. Nang natuyo na ay hinubad ko na ang bathrobe ko at humiga na sa kama.
Fact: hindi ako nakakatulog ng may saplot sa katawan kaya i sleep naked.
Gusto ko kasi ng nakakahinga yung katawan ko sa gabi. Dahil buong araw nasasakal yung balat ko dahil sa damit kahit na hindi naman masikip yung mga damit ko. Ewan ko lang ba't ganun ako mag isip.
Kinuha ko yung sleep mask sa drawer ko bago ako tuluyang umidlip at umusal ng maliit na panalangin.
Maaga din akong nagising kinabukasan dahil ang ingay sa baba.
Hinubad ko yung sleep mask at inilagay ulit sa drawer bago ako tumayo para mag stretching. Umusal ulit ako ng maliit na panalangin.
Pinatay ko yung aircon lalo pa't umaga na. Mahal ang kuryente.
Nagtungo muna ako sa banyo para mag toothbrush at gawin ang morning routine ko.
Hindi na ako maliligo lalot wala namang akong pasok sa duty ngayon. Day off ko pero on call padin ako. Minsan kasi nakukulang ang tao sa hospital kaya natatawagan ang mga naka day off.
Naghilamos muna ako ng mukha, tapos nag toner, moisturize, serum, at sunscreen. Hindi pwedeng walang sunscreen lalo at ang init ng panahon. Naglagay lang din ako ng lip balm sa labi ko para hindi dry. Hindi naman din talaga dry yung labi ko. Gusto ko lang.
Ito palagi yung look ko pag sa bahay lang ako. Pero may duty ako nadadagdagan ng eyebrows, mascara, eyeliner at lipstick. Hindi naman kasi ako mahilig sa make up.
Naghanap na ako ng damit dahil alangan namang lumabas akong walang saplot. Okay lang naman sakin dahil puro naman kami babae dito. Si manong guard lang ang lalaki sa bahay. Eh hindi naman pumapasok si kuya dito sa loob. Nasa mga late forties na din si manong guard. May anak na pinapag aral, mga babae din. Sa pagkakaalam ko ay dalawang babae ang anak niya.
Binigyan nga ng scholarship ni Aphrodite yung panganay ni Mang Edwardo. College na kasi, tapos yung bunso ay maliit pa, kalaro palagi ni Nathalia, si Angelina.
May-bahay kasi ni mang Edwardo yung mayordoma sa bahay, si manang Sicil. Hindi naman kalakihan tung bahay namin, sapat lang samin. Lima kaming nakatira dito, nasa taas lahat ng kwarto namin, sa baba naman yung mga maid quarters, apat na maid at isang mayordoma. Si mang Edwardo ay sadyang pinalakihan yung guardhouse para pwede siyang matulog doon. Yung panganay niyang anak ay nagdorm para tipid pamasahe na daw. Wala namang problema yun dahil may allowance naman siya pero mas mabuti na daw yung ganun para hindi na masyadong magastos.
Kung nagtataka kayo kung sino si Nathalia, siya yung kinuha ni Artemis at inampon. Nakita niya kasi sa lansangan yung sanggol katabi ng basurahan. Talagang iniwan lang doon hindi man lang binigay sa mga madre o di kaya ay sa children's foundation. Magpapagalaw tapos iiwan sa basurahan. Mabuti na lang nakita ni Artemis.
Sinuot ko lang yung thin strap silk with deep v-cut that clearly shows my cleavage paired with my short shorts. Hindi na ako nag bra, panty lang yung undergarments ko today dahil anak bahay ako ngayon.
Bumaba agad ako at dumeretso sa kusina upang mag agahan. Naabutan ko pa sila doon na nagsisimula ng kumain.
"Good morning." I greeted
"Good morning, mama Athena." bati sakin ni Thalia.
"Good morning, Tita Athena." bati naman sakin ni Angelina.
Nakasanayan na talaga ng dalawang to mag sabay kumain. Okay lang naman yun. Mabuti na yun habang bata pa hinuhubog na yung friendship.
"Good morning, kids." I greeted back and sit on my chair.
"Morning." bati sakin ng tatlo.
"Anong oras ka na nakauwi kagabi?" tanong ni Artemis
"Madaling araw na." sagut ko
"Kung saan saan ka kasi nagsususuot, napagalitan ka ba?" tanong ni Aphrodite
"Medyo?" sabi ko sabay halakhak ng konti, napailing naman si Alectrona.
Sanay na kasi kami sa kaniya.