BUMABABA SILA ASULA at Wave sa ibabaw ng rooftop ng resort. Hindi niya alam kung bakit siya dinala rito ng misteryosong lalaki pero wala na siyang pakialam. Gusto niya ngayong makapag-isip nang maayos. At mukhang alam iyon ng lalaki dahil dinala siya rito.
Ano bang klaseng nilalang itong nasa tabi niya? Kailangan nga ba niya itong pagkatiwalaan? Paano pala kung isa itong nakakatakot na nilalang? Kukunin ang kaluluwa niya? Paano na?
O kayà isa itong mga may kapangyarihang itim gaya ng mga nababasa niya sa mga libro o napapanood niya sa telebisyon.
Ipinilig niya ang ulo. Hindi naman siguro ganoon ang lalaki. Hindi naman siya nakakaramdam ng takot rito. Isa pa ang gaan ng loob niya rito agad, sa hindi niya malamang dahilan. Bagama't may agam-agam pa rin sa kaniyang isipan. Hindi niya muna dapat ibigay nang buo ang tiwala rito.
“Bakit tayo nandito?” untag niya rito nang umupo ito sa semento.
Nanatili siyang nakaupo. Ang tirik pa naman ng araw pero hindi niya ramdam ang init dahil ang lamig naman ng lugar at ang lakas ng hangin sa kinaroroonan nila.
“I want you to clear your mind. So I bring you here,” sagot nito na ikinakunot ng noo niya.
“Paano mo nalaman? Saka tao ka ba? Bakit hindi ka normal? Anong klaseng nilalang ka? Bakit ka naririto?” sunud-sunod niyang tanong kay Wave.
Tumayo ito saka tumabi sa kaniya. Nakatingin ito sa unahan para bang pinag-iisipan nito kung sasagutin ba nito ang mga tanong niya o hindi.
Pumamulsa ito sa pantalong itim na suot. Hindi alam ni Asula pero para sa kaniya'y bagay na bagay sa lalaki ang kulay itim. Iyon nga lang ay parang nakakatakot ang awrang dala nito.
“You saw me last night. And I think you know already who I am.”
Napatawa siya sa sinabi nito. Hindi naman siguro siya parang isang manghuhula sa paningin nito para malaman niya agad kung ano at sino ang lalaking 'to?
Tumayo siya't namewang saka hinarap ang lalaki. Kaya't naharangan niya ang liwanag na nagmumula sa araw sa harapan nito. Napatitig ito sa kaniya habang kunot ang noo.
“Mukha ba akong isang manghuhula sa paningin mo para malaman ko agad kung sino o ano ka? Saka isa pa kung ayaw mong magpakilala sa akin, okay lang. Hindi iyong kung anu-ano pinagsasabi mo.”
Hindi ito sumagot kundi tinitigan lamang siya nang mataman.
Umirap siya't tumalikod rito. Hindi na niya napigilan ang sarili. Naiinis siya na hindi niya maintindihan. Lalo pa't idagdag ang problemang haharapin niya mamaya. Patay na talaga siya nito sa boss nilang si Marco.
“You are thinking again for something. Dinala nga kita rito para mawala ang iisipin mo.”
Nilingon niya ito dahil sa sinabi nito. Bigla siyang nakonsensya sa sinabi rito kanina. Huminga siya nang malalim at naupo sa semento. Lumakad naman si Wave at tumabi rin ng upo sa kaniya. Wala na siyang paki-alam kung paano nitong nababasa ang sa isip niya.
“Wala bang nakakita sa atin rito nang bumaba tayo?” biglang untag niya.
“Wala naman, hindi naman ako bobo para hindi mag-ingat. Lalo na at alam kong naiiba ako sa inyong lahat.”
Hindi na lamang niya pinansin ang sinabi nito. Ang gusto niya lang ngayo'y ilabas rito ang hinaing niya sa loob nang mahabang panahon.
“Bakit ganoon? Bakit sobrang napakakomplikado ng buhay ko? Bakit naman ang iba hindi? Hindi ba pwedeng pantay-pantay na lang ang lahat? Walang mahirap at mayaman, walang mataas at mababa? Iyong pareho na lamang ang pinagdadaanan lahat ng tao? Wala bang ganoon?”
Umihip nang malakas ang hangin. Parang pinapagaan no'n ang pakiramdam niya.
“Pwede ka na munang sa lugar ko. Huwag ka nang bumalik roon sa pinagta-trabahuhan mo. Pwede ka namang makatakas at makawala sa paghihirap sa buhay mo. Ang problema lang sa iyo'y takot kang kumawala. Takot ka sa magiging resulta. Hanggang kailan ka matatakot, Asula?”
Hindi niya alam pero ang lakas ng impact ng sinabing iyon ni Wave sa kaniya. Tama ito, makakawala siya sa kulungang napasukan niya kung gugustuhin niyang makawala. Pero hindi niya magawa dahil takot siya sa boss niya at sa maaring mangyari sa kaniya. Hanggang kailan ba siyang matatakot na lamang? Kailan siya maging matapang at harapin ang kinatatakutan?
Hindi niya alam ang sagot. Naguguluhan siya. Hindi niya matimbang ang isip at puso. Ano ba ang dapat niyang gawin?
She doesn't want to end her life. But what she should do for the better life?
Wave's right. She is afraid for her life.
“Hindi ko alam.”
Wave let out a deep sigh. Hindi niya naman intensyon na guluhin ang buhay nito. Gusto niya lang na may makinig sa kaniya. But after seeing Wave reaction, she suddenly felt shy.
“Pwede mo namang sabihin sa akin kung ayaw mong makinig sa mga hinaing ko. Maiintindihan ko naman. Alam ko namang ganoon akong ka-boring na tao.”
Bigla itong natawa dahil sa sinabi niya. Wave brushed her hair. Pagkakita niya sa nakangiting mukha nito'y bigla siyang natigilan. Bakit sobrang gwapo?
“I didn't say anything, woman. It means I let you to tell me your frustration about your life. Hindi iyong ayaw ko nang makinig sa iyo.”
Pinaningkitan niya ito ng mga mata. “Halata sa paghinga mo nang malalim lalaki.”
“Porket huminga na nang malalim ayaw ko nang makinig sa mga pinagsasabi mo? Hindi ba pwedeng naiinis ako sa iyo kasi pinapakita mo sa akin kung gaano ka kahinang tao? Kailan darating ang araw na maging matapang ka? Hanggang kailan ka magpapakulong kung alam mo naman kung paanong lumabas?”
Napipilan siya sa sinabi nito. Wala siyang maapuhap na sasabihin.
Anong mayroon sa lalaking 'to at kung makapagsabi sa kaniya at makapayo'y parang alam na ang lahat sa buhay? Gayong mukhang magka-edad lang silang dalawa?
“You are free, woman. But you keep choosing be in prison, than to go outside and explore. Now, stop complaining about the things you have been through. Because in the first place, its your choice.”
Nahiya siya dahil sa sinabi nito. Pero iyon lamang ang magagawa niya.
“Paano ba ang maging matapang? Paano ba walain ang takot?”
Itinuro nito ang dibdib niya kung saan puso niya. Napatingin siya sa lalako. Seryosong-seryoso ang mukha nito habang nakatitig sa kaniya.
“I know its hard for you to find it out now, but I can simply advice to you is you should listen to your heart always, use your mind what ever it takes. And trust Him above so you will survive, Asula. He will forgive your sins, as long as you will accept Him as your savior and only lord, and also if you will repent and make a change.”
Hindi niya napansin na lumuluha na pala siya.
Hindi niya maintindihan pero bakit tagos na tagos sa puso niya ang lahat ng mga salita ng lalaking 'to na nasa tabi niya.
“Sino ka ba?” tanga niyang tanong rito.
Tumingin ito sa araw na nakasilip sa mga ulap.
“I am from the future, and I came here for this past life.”
TULAD NGA NG SINABI ni Wave kay Asula ay dinala nga siya sa silid niting tinutuluyan. Ayon sa lalaki ay hindi naman nito iyon nagagamit. Lalo na at palagi itong umaalis para gawin ang mga dapat nitong gawin sa buhay.
Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin kung anong klaseng nilalang ang lalaking ito.
Kung titingnan ay isa lamang itong ordinaryong tao.
Umupo siya sa sofa at pinagmasdan itong maghuhad ng itim na jacket.
“Ano talaga ang totoo mong anyo? Halimaw ka ba? May sungay ka ba? May mahaba kang tainga? May balbas ka ba? Mukha ka bang kabayo? O, kayà ay witch?” sunud-sunod niyang tanong rito na siyang ikinahalakhak nang malakas ng huli.
Nilingon siya nito. “What? Of course this is my true form, woman. Don't make me laugh. I am not a supernatural being just like what you think. I am just a human with a special abilities.”
Bumungad kay Asula ang matipunong katawan ng lalaki dahil sa t-shirt nitong itim na suot na hapit na hapit sa katawan.
Umirap siya at sumandal sa sofang kinauupuan. Malay ba niya kung totoo naman ang hinala niya ritong nagtatago ito sa katawang-tao para hindi mahuli ng iba ang totoong kaanyuan nito.
“Hundi ka ba natatakot sa akin? Malay mo baka may gawin akong masama laban sa iyo para ikapahamak mo? Tulad nang isumbing kita sa mga awtoridad para hulihin ka? O, kayà sa mga doctor o mga mediko?”
Ngisting-ngiting umiling ang lalaki. Napakagat labi siya dahil ka katangahan. Wala na ngang disposisyon ang buhay niya, ang tanga pa niya, naman Asula!
“Hindi ako magpapakita sa iyo ng kakaibang taglay ko kung hindi kita pinagkakatiwalaan. Kahit ganyan ka, may puso ka namang hindi magpapahamak ng isang tulad ko. Lalo na at wala namang ginawa sa iyong masama.”
Inirapan niya ito. Naiinis na siya sa lalaking ito. Hanggang kailan ba nito babasahin ang nasa isip niya? At hanggang kailan ipamumukha ng lalaking 'to sa kaniya ang takbo ng buhay niya sa kaniya?
“Pwede ba huwag mo nang basahin ang nasa isip ko? Lalo ring iyong mga nalaman mong kwento ng buhay ko. Ang unfair eh, wala man lang akong alam tungkol sa iyo.”
“I have special abilities, woman. So its natural. And also I am a time traveler.”
Pakiramdam ni Asula ay nahulog siya sa kinauupuan nang marinig ang sinabi ng lalaki.
Nanginig ang kalamnan niya't biglang nabalisa. Kung gayon, kaya ng taong ito bumalik sa nakaraan at pumunta sa hinaharap?
“Kung ganoon. . . galing ka na sa hinaharap at bumalik ka rito sa nakaraan?”
Tumango ito sa kaniyang naging tanong. “Ganoon na nga.”
Hindi niya gusto ang nasa isip. “K-kung ganoon, naririto ka dahil. . . dahil may misyon ka rito?”
“Yes, exactly.”
“Ibig sabihin. . . naririto ka sa harapan ko dahil ako ang misyon mo?”
Wala itong sinabi sa halip ay tumayo ito at inilagay nito ang jacket sa sabitan banda sa gilid ng pinto.
“Wave, sagutin mo ako.” Hindi iyon isang paki-usap kundi isang utos.
“Oo, ikaw nga ang misyon ko. Pero hindi pa ngayon ang oras para malaman mo kung ano ang dahilan ng pagparito ko. Magpahinga ka na muna. Maliligo lang ako.”
Hindi na niya napigilan pa si Wave nang lumakad na ito papalayo sa kaniya.
Nauwi siya sa malalim na pag-iisip nang mawala na sa kaniyang paningin si Wave. Ano ang ibig sabihin ng lalaki? Naririto ito dahil sa kanya? At siya ang misyon nito? Bakit? Ano ang nangyari sa kaniya sa hinaharap? May nagawa ba siya sa panahong ito at kailangan pa siyang maging misyon ni Wave?
“Kahit kailan talaga, Asula. Ang sakit mo sa ulo, ang tanga mo talaga. Nagbigay ka pa ng problema doon sa tao.” Pangaral niya sa sarili.
Tumayo na rin siya at pumunta sa kaniyang silid na itinuro sa kaniya ni Wave kanina. Makakatakas na nga ba siya ngayon sa boss niyang si Marco?
Ano kayà ang gagawin nito kung malaman ng baklang nawawala siya? Maging ang kaibigan niya, paano na? Tama nga ba ang pagsama niya kay Wave? Handa nga ba siyang harapin ang lahat ng mangyayari pagkatapos niyang mas piliing makalaya sa kadiliman?
Huminga siya nang malalim bago buksan ang isang silid sa room ni Wave. Galante ba ang time traveler na iyon at kaya nitong umupa sa ganoong kaganda at engrandeng silid?
Kumibit-balikat na lamang siya at hindi na iyon inisip pa. Wala naman siyang paki-alam roon kung saan ito kumukuha ng pera. Ang paki-alam niya'y kung ano ang magiging papel ni Wave sa buhay niya. At ang magiging papel niya sa buhay ng lalaki.
Ano ang kahaharapin nilang mga pangyayari sa darating na araw?
Humiga siya sa kama pagkatapos na maisara ang pinto. Pakiramdam niya'y nawala na ang kadenang pumipigil sa kaniyang leeg. Nakaginhawa siya nang malaya at walang nakamasid sa kaniyang mga mata.
Hanggang kailan kayà niya matatamasa ang paglaya? Hiling niya'y sana pang habang-buhay na. Sana hindi na ito maputol ang kalayaang nais niya. Kahit makasama pa niya si Wave at tulungan man siya nito'y hahayaan niya. Basta tuluyan na siyang makalaya sa kasalanan niya't kadiliman.
. . .