Chapter 5

2184 Words
PILIT NA PINAPAKALMA ni Asula ang sarili habang kumakain. Nagluto siya kanina at pinakailaman niya ang kusina ni Wave. Kabadong-kabado siya at tensyunadong-tensyunado. Kahit ilang beses na siyang nakakita ng isang hubad na katawan ng lalaki'y iba pa rin ang epekto sa kaniya ni Wave. Lalo na ngayon at nakahubad ng t-shirt habang nakaupong nakaharap sa kaniya. Pinipilit niyang huwag mapatingin sa matipunong dibdib nito pero sadya sigurong makasalanan ang mga mata niya. Dahil sa tuwing sumusubo siya'y sa dibdib ng lalaki siya tumitingin. Bibilisan na lang niya ang pagkain nang sa gayon ay makaiwas siya sa tukso. Umiiral na naman ang pagkaharot niya. “Paanong naging misyon mo ako?” biglang tanong niya rito. Gusto niya lang may pag-usapan sila ni Wave. Saka isa pa, kanina pa siya hindi mapakali na itanong iyon sa lalaki. Nagtataka talaga siya kung bakit siya ang naging misyon nito. Saka totoo ba ang sinasabi ng lalaking ‘to? Napamura siya sa kaniyang isipan. Kitang-kita na nga niya ang kakayahan ng lalaki. Pinagdududahan pa niya itong nagsisinungaling. Malay ba niyang hindi talaga ito isang time traveler kundi isa pala itong sugo ni Kamatayan at sinusundo na ang kaluluwa niya. Hinihintay na lang pala siya nitong mamatay. “Stop over thinking woman. I am not a serpent of Death. I am a time traveler, a person who travels through time to find out something and accomplish his or her task or missions rather, given by God above.” Napalabi siya pagkatapos na ilunok ang pagkaing nanguya na niya. Huminga siya nang malalim. Hindi na nga siya mag-iisip ng kung anu-ano tungkol sa lalaking 'to. Natakot tuloy siya sa pag-e-english speaking nito bigla. Tila talagang seryosong-seryoso ito at parang sasaksakin siya nito sa ngala-ngala kapag magsalita pa siya ng kung anu-ano patungkol rito. Huminga na lamang siya nang malalim at nagpatuloy na siya sa pagkain. Mayamaya'y tumayo na rin si Wave pagkatapos nitong kumain. Dinala nito ang platong pinagkainan sa lababo. Pinagmasdan niya ang lalaki habang inaayos nito ang pinagkainan. Naramdaman siguro nito na nakatitig siya rito kaya lumingon ito at diretsong sinalubong ang paningin niya. Bahagyang nakataas ng kaunti ang kilay. Tila nagtataka kung bakit niya ito pinapasadahan ng tingin. Ngumiti si Asula saka nagpatuloy na sa pagkain. Hindi na niya pinansin pa ang titig sa kaniya ni Wave na puno ng pagtataka. “HINDI KA PWEDENG lumabas ng room na ito hangga't hindi ako bumabalik, Asula. Hindi ka pwedeng makita nung mga taong naghahanap sa iyo dahil sa biglaan mong pagkawala. Hindi ko kayang burahin ang alaala nila sa iyo. Lalo na at masyado silang marami at baka iyon pa ang dahilan ng pagkawala ng lakas ko.” Matamang nakikinig si Asula sa bilin ni Wave habang sinusuot nito ang itim na cloak. Sa tiyantya niya'y maraming koleksyon nun ang lalaki dahil sa palagi ganoon ang suot nito. “Kahit lumabas man lang saglit? Nakakabagot kayà rito sa loob. Hindi mo ba ako pwedeng isama na lang sa pupuntahan mo? Tutal, ako rin naman ang misyon mo. Siguro may karapatan akong malaman kung ano na ang balita sa pagkatao ko. Baka mamaya nasusunog na pala ang kaluluwa ko sa impyerno o kayà mamaya patay na pala ako at hindi ko pa pala napapansin.” Umikot ang bilog ng mga mata ni Wave dahil sa kaniyang sinabi. Kung hindi lang ito maskulado at kilos-lalaki ay pagkakamalan na niya talaga itong isang bakla. “At ano naman gagawin mo sa pagsama sa akin? May maitutulong ka ba?” Napalabi siya sa naging sagot na tanong nito. Kung sa bagay may punto ang lalaki. Kung sasama siya'y malamang at problemahin pa siya ni Wave dahil sa kalampahan niya at katangahan. Baka mamaya makasagupa sila ng awayan at imbes na makatulong siya'y baka siya pa ang mas magpalala ng problema. Napipilitan siyang umupo sa sofa at humilata roon. “Sige, okay lang ako. Huwag mo na akong isama. Dito lang ako makikipag-usap ako sa pader at mga kagamitan mo rito. Malay mo at may mga buhay pala ito. ” Naramdaman niya ang pagtitig sa kaniya ni Wave ng masama. Gusto niyang matawa pero hindi niya magawa. Ang sarap pala pilosopohan ang lalaking ito at painisin. Sa tanang buhay niya'y ngayon lang siya naging malaya sa lahat ng bagay na gusto niyang gawin. Lalo na ang makipag-usap ng ganito sa isang lalaki. Nakita niyang lumutang ang isa pang itim na cloak sa kaniyang harapan. Napabangon siya na wala sa oras dahil sa dala ng gulat. Gumamit na naman ng mahika ang lalaking nasa bandang pintuan na. Hinihintay siyang tumayo habang nakatitig sa kaniya nang mataman. Nagtataka siyang nagpapalit-palit ang paningin sa itim na cloak at kay Wave. Nagtatanong siya kung para saan iyon. Hindi pa siya nakakabawi sa gulat ay napasigaw siya't nanlalaki ang mga mata nang kusang sumuot ang cloak sa katawan niya. Naramdaman niyang parang may enerhiya sa kaniyang humatak papalapit kay Wave. Ang lakas nun kaya't hindi niya nagawang pigilan ang sarili. “Gusto mong sumama sa akin 'di ba?” seryosong tanong nito habang nakatitig sa kaniya ng diretso. Lumunok muna siya ng laway saka napatingin sa suot na niyang cloak tulad ng kay Wave. “O-oo.” Bubuksan na sana ni Wave ang pinto nang bigla siyang magsalita. “May kapangyarihan ba 'tong mga cloak jackets mo?” “Kung sa tingin mo mayroon ay ganoon na nga, babae.” Napalabi siya sa sagot nito bago sila tuluyang makalabas ng pinto. Napalingon pa siya sa pinanggalingan nila at nagkaway-kaway pa na siyang ikinakunot ng noo ni Wave. “What are you doing, woman?” Nakakunot pa ang noo ng lalaki. Ngumisi siyang parang timang rito. Nahiya siya ng kaunti dahil nahuli siya sa kagagahan niyang pinanggagawa. “Nagpa-practice lang magpaalam sa silid mo. Malay mo kasi baka mamaya may makita ka pang mas maganda diyan at iwanan mo.” Sa halip na pansinin siya ni Wave ay hindi. Tumalikod na ito at nagsimula nang maglakad papuntang elevator. Sa isip-isip ni Asula, hindi ba nito gagamitin ang kapangyarihan para makaalis agad sila sa resort na ito. Umiling na lang si Asula saka sumunod na sa likuran ng lalaki habang inaayos niya ang itim na cloak na suot-suot. Pakiramdam niya'y nakaginhawa siya nang maluwag simula nang maisuot iyon. Parang ang gaan ng pakiramdam at ang bigat niya. KANINA PA NAGLALAKAD si Asula habang nakasunod sa likuran ni Wave. Pumunta sila sa likuran ng resort at namangha siya nang makita ang mataas at malapad na pader roon. Nakaharang ito sa pagitan ng kabila at ng resort na pinanggalingan nila. Mukhang hindi na sakop ng lugar na kinatatayuan nila ang lugar na nasa kabila niyon. Huminto siya nang huminto rin si Wave. Nakaharap ito sa mataas at malapad na pader. Hindi masukat ni Asula kung ilang pulgada ang pader na iyon. Basta kasing taas ito ng mga punong naroroon. “Huwag mong sabibin na wawasakin mo iyan, lalaki?” gulat niyang bulalas sabay singhap pa. “Mahuhuli tayo! Hindi ka ba aware doon? Ilang milyon ang ginamit nila—” Napatigil siya sa pagsasalita nang kumumpas ng kamay ang lalaki sa pader at may lumabas doong kulay bughaw na parang alon. Naglikha iyon ng butas sa pader. Maliwanag ang sa loob niyon. Para iyong lagusan, at dahil sa ngayon lang nakakita no'n si Asula ay napanganga siya't nanlalaki ang mga mata. “S-saan tayo pupunta? Diyan ba tayo papasok?” hintakutang tanong niya rito. Tiningnan lang siya ng lalaki at hinila na papasok sa butas. Isang sigaw ang kumawala habang papasok sila sa lagusan ni Wave. Parang may enerhiyang humahatak sa kanila papasok. Mahigpit ang kapit niyang ginawa sa braso ni Wave habang nakapikit. Narinig niyang huminga nang malalim ang kasama. Mayamaya'y unti-unting nawala ang enerhiyang humahatak sa kanila. Kung kaya't napagdesisyunan niyang imulat ang mga mata. Napanganga siya nang makita ang tanawing sumalubong sa kaniya. Maraming mga taong naglalakad ng paroon at parito. Mga teknolohiya na ang nagpapagalaw sa ilan. Maraming mga flat screen ang sa paligid. Maging mga robot na gumagalaw. Halos mga gusaling nagtataasan na ang buong makikita sa paligid. Wala ng mga puno at lupa kundi sementado na. “Nasaan tayo?” tanong niya kay Wave. “Sa Pilipinas 1970 ka, babae. At huwag mong tatangkaing lumayo sa akin kung ayaw mong maligaw sa ganitong klaseng lugar.” Sa takot na mawala sa ganitong klaseng lugar si Asula ay kumapit siya sa itim na cloak na suot ni Wave. Sumunod siya sa paglalakad ng lalaki. Hindi niya alam kung bakit ganito na ang nangyari sa Pilipinas. Kung bakit wala ng mga puno sa paligid at halaman. Wala na ring dagat siyang natatanaw sa hindi kalayauan. Mukhang sinakop na nga ng teknolohiya ang henerasyon ngayon. Hindi niya alam pero bigla siyang nalungkot sa mga kabataang sa taon na ito ipinanganak. Hindi ng mga ito mararanasan ang kinalakihan nilang mga nagmula sa dating henerasyon. Hindi na malalasap ang masarap na simoy ng hangin at ang pagtatakbuhan sa bukid. Ang maglaro at maghabulan sa parang habang wiling-wili sa pagtataguan. “Nakakalungkot na ganito na pala ang henerasyon sa kasalukuyan.” Bigla siyang nagitla nang hawakan siya sa kamay ni Wave. Hinila siya nito at isiniksik sa kaniyang tabi. Para siyang tinatago nito saka pilit siya nitong pinapayuko. Hindi na siya nagtanong at hinayaan na lamang ang lalaki. May pinagtataguan ba silang dalawa? Bigla silang huminto ni Wave sa isang parang lumang simbahan. Kumunot ang kaniyang noo. “Hindi ka kayà maglalaho kapag pumasok tayo diyan?” Sinamaan siya nito ng tingin kaya't napaismid na lamang siya at tumahimik. “Kung ano ang itatanong sa iyo ng lalaking makakasalubong natin sa loob ay huwag na huwag kang sasagot. Ako na ang bahala sa kaniyang sumagot.” Tinignan niya ito na puno ng pagtataka. “Bakit naman?” “Siya ang magtuturo sa iyo kung sino ang taong magdadala sa iyo sa kapahamakan roon sa nakaraan. Kaya't mag-iingat ka. Hindi ka naman niya mamumukhaan dahil sa suot mong itim na cloak na iyan. Huwag mo lang tatangkaing tanggalin iyan, oras na makaharap mo siya.” “Anong kinalaman niya sa kapahamakan ko? Anong ginawa niya sa pagkamatay ko sa nakaraan?” “Siya ang lalaking magtuturo sa atin ng katotohanan. Kaya't mag-iingat ka. Aalamin natin kung ano ang dahilan kung ano ang kinalaman niya sa iyo. Para mabago natin ang takbo ng buhay mo sa nakaraan.” Tumango si Asula saka nakinig sa sinabi ni Wave. Mabuti na lamang at nagtatagalog na talaga ito. Madalas lang talaga siguro itong mag-Ingles kapag siguro inis ito sa kaniya at seryoso. Nagsimula nang humakbang papasok si Wave sa simbahan. Sumunod naman siya sa lalaki. Bumungad sa kanila ang isang napakalawak na simbahan. Engrandeng -engrande ang loob no'n. Pinapaligiran ng mga nagkikislapang gawa sa gintong bintana, pinto at mga rebulto. Maging ang bakal rin ay gawa sa parang hinulmang ginto at pilak. May anim pang malaking chandelier sa gitna ng simbahan. Ibig sabihin ay malawak at mahaba ang simbahang pinasukan nila ni Wave. Agad siyang nag-sign of the cross gayun din si Wave. Sa kanilang paghahanap ng mauupuan ay may nakasalubong silang isang matandang lalaki. Nasa edad singkwenta na ito sa tantiya ni Asula. Napatingin ito sa kaniya kaya't kinabahan siya. Ito na marahil ang lalaking tinutukoy ni Wave. “Mawalang galang na, ija. Pero nagkita na ba tayo noon?” Hindi siya sumagot. Tulad ng utos ni Wave sa kaniya. Inakbayan siya ni Wave sabay harap nito sa matanda. “Sa tantiya ko po'y ngayon lang kayo nagkita ng asawa ko. Pasensya na po pero hindi siya nagsasalita. At galing pa po kaming probinsya para makilala mo at nagkita na kayo ng asawa ko.” Hindi alam ni Asula pero sa mga oras na iyon pakiramdam niya'y may kumurot sa kaniyang dibdib at tagiliran para siya'y mapangiti at kabahang parang kinikilig. Hindi niya mawari kung ano iyon. Naramdaman na lamang niya iyon nang sabihin ni Wave na asawa siya nito. “Pasensya na, ijo.” Iyon lang ang sabi ng matanda bago ito yumuko bilang tanda ng pamamaalam nito sa kanila at ang paghingi ng tawad. Nang tuluyan nang makalabas ang matanda ng simbahan ay siya namang paghinga nang maluwag ni Asula. “Iyon ba ang lalaking sinasabi mo?” tanong niya kay Wave na ngayo'y tahimik na nagmamasid sa paligid. “Siya nga. At isa siya sa naging pari ng simbahan na ito.” Napasinghap si Asula sa narinig. Hindi niya maintindihan ang mga pinagsasabi ni Wave. “Alam kong naguguluhan ka na sa pagkakataong ito. Hayaan mo't ipapaliwanag ko sa iyo ang lahat mamaya. Huwag lang ngayon, makinig na muna tayo sa misa.” Wala nang nagawa pa si Asula nang maupo na sa bakanteng upuan si Wave. Hinubad na nito ang hood ng cloak na suot. Ito na rin ang nagtanggal ng hood niya sa kaniyang ulo. Ngumiti siya nang palihim at masiglang nakinig sa sermon ng pari. Ayaw man niyang aminin sa sarili pero hindi niya maitatanggi na crush niya si Wave Ocean. May crush siya sa lalaking ito. Sa pogi s***h na masungit na time traveler na ito. . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD