Chapter 6

2114 Words
Philippines 1970 KANINA PA SILA NAGTATAGO ni Wave at Asula sa isang pasilyo habang lihim nilang sinusundan na dalawa ang matandang kanina nilang nakasalubong sa loob ng simbahan. Hindi alam ni Asula kung paanong ito natagpuan ni Wave samantalang kanina pa nila ito nakasalubong at hindi nasusundan. Nakalimutan niya palang may mahika ang kasama niya at nakikita kung ano ang gustuhin nitong makita. Nanatili siya sa likod ni Wave at mataman na nakamasid sa paligid at nagmamatyag. Hindi niya alam pero mukhang kailangan nito ang tulong niya. Papasok ang matandang lalaki sa loob ng hindi kalakihang bahay. Sa isip-isip ni Asula ay bahay iyon ng matanda. Hindi maiwasan ni Wave ang maging matalas ng kaniyang paningin at pakiramdam. Lalo na at nasa likuran niya si Asula. Kailangan niya itong bantayan at ilayo sa kapahamakan. Iyon ang misyon niya bago siya pinadala sa mundo ulit ng mga tao para isakatuparan iyon. Isa sa misyon nilang mga time traveler ay ang iligtas ang isa sa mga nilalang na naliligaw ang kaluluwa. Maliban sa nakikita nila ang nakaraan at kasalukuyan ay may angking kakayahan rin sila kung paanong magligtas ng mga kaluluwang naliligaw. Lalo na at kung ito ay utos mula sa itaas na pinapakita sa pamamagitan ng kanilang panaginip o sa utos ng kanilang pinuno. May kakayahan rin silang telekenisis at kakaibang mahika na galing sa anghel na nagpakita sa kanilang panaginip. Nakita niyang pumasok na ng bahay ang matandang si Geoban. Ang lalaking pari dati pero dahil sa kawalan na nito ng kakayahan at naghihina na ang kalusugan ay nagretiro na bilang pari. Dalawang taon na ang nakakaraan. Sa edad nito ay kailangan na nga ng pahinga, lalo at nagiisa na lamang ito sa buhay. Alam ni Wave ang lahat ng nakaraan ng matandang si Geoban at kung ano ang kinalaman nito kay Asula. May kailangan lang siyang malaman dito at kunin. Na siyang bagay na kailangan niyang ibigay kay Asula sa lalong madaling panahon. Sa pagmamasid sa paligid at susunod na galaw ni Geoban ay bumalik sa alaala ni Wave kung paano siya napunta sa sitwasyong ito at kung paano sa kaniya itinalaga si Asula. HABANG naglalakbay sa masukal na daan si Wave dahil sa kagubatan siya napunta, matapos na basahin ang kasalukuyan at ang mangyayari pagkatapos ng sampung taon sa Pilipinas ay dito niya naisipang magliwaliw. Marahil siguro sa magandang sikat ng araw, ihip ng hangin at sariwang mga halaman at puno sa paligid. Maging ang mga ibon, paru-paro at iba't iba pang mga insekto sa paligid at hayop na malayang nagliliwaliw ring tulad niya. Sa kasalukuyan ay mawawala na ang lahat ng mga itong nakikita niya sa paligid. Papalitan na ito ng mga nagtatayugang estraktura at mga pabrika. Maraming magdadanas ng mga iba't ibang klaseng sakit at ang iba pa nun ay walang lunas. Maraming maghihirap sa pagkain at maging sa pera. Salat rin sa tubig at mga yamang-dagat ang mga tao. Mas mahirap ang dadanasin ng mga taong sa kasalukuyan pa ipapanganak at makakadanas nun. Teknolohiya ang nagpabago ng lahat sa isang iglap lamang. Sa pagtatanaw ni Wave sa paligid ay naramdaman niyang may nagmamasid sa kaniya. Tiningnan niya ang orasang pendant na hawak at umiilaw iyon ng dilaw. Nagbabalang may nagmamasid sa kaniya sa hindi kalayuang katulad rin niya. Huminto siya saka nagpalipad ng alon na umiilaw sa kinatatayuan ng lalaki sa hindi kalayuan. Narinig niya itong humalakhak. Humarap siya rito at papalapit na pala ito sa kaniya. Suot-suot ang katulad niya ring kasuotan. Ang isang itim na cloak. Habang itim rin ang sumbrero nitong suot. Ang pinagkaiba lang nila ay ang pendant na orasang hawak niya ay kulay bughaw. Samantalang itong lalaki na nakangiti sa harapan niya ay kulay dilaw. Iisa lang ibig-sabihin no'n, mataas ang antas nito kaysa sa kaniya. “Sa wakas at natagpuan na rin kita, Wave.” “Anong kailangan mo, Sun?” agarang tanong niya rito. Si Sun ay anak ng kanilang pinakapinunong time traveler. Silang mga time traveler ay naninirahan sa mundo ng mga tao. Sa iba't ibang panahon at sa iba't ibang lugar. Depende sa kung anong misyon ang nakatalaga sa kanila na hinihiling ng poong maykapal sa kanilang pinunong si Araw. Ito ang magmamana balang araw bilang kanilang pinuno. Mabait si Sun sa lahat tulad ng ama nitong si Araw. Hindi niya matatawaran ang kabaitan at kalinisan nito. Kaibigan ang turing ng lalaki sa lahat lalong-lalo na kay Wave. Nagsasanay na ito bilang isang pinuno para handa na ito sa itinakdang panahon. Ikinumpas nito ang kanang kamay. Sigurado si Wave na may panibago na namang misyon na ibibigay sa kaniya. Iyon ang trabaho nilang mga time traveler. Hindi lang basta sila palipat-lipat ng panahon at naglalakbay lang. Kundi may kasama ring misyon na ibinibigay sa kanila. At kailangan nila iyong matapos at tuparin. Dapat nilang mapagtagumpayan ang lahat ng iyon dahil iyon ang nagsisilbing life span nila. Isang misyon ay katumbas ng sampung taon ng pagkabuhay. Kung hindi nila mapagtagumpayan ang misyong ibinigay sa kanila ay hihintayin nila ang nahuhuling araw ng buhay nila hanggang sa tuluyan na silang maglaho at maging abo. Kaya't ang edad na ngayon ni Wave ay nasa isang libo at isang raan. Isa rin sa matatanggap nilang pabuya sa pagtagumpay ng misyon ay ang pananatiling bata ang pisikal na anyo. Hindi sila tumatanda o bumabata man. Nanatili lamang sila sa kaanyuang parang sa edad tatlumpu. “Noong nakaraang taon ay nabigyan ka ng misyon at napagtagumpayan mo ito. Isang taon ka na ring namamahinga. Nandirito ako para bigyan ka ulit ng panibagong misyon, kung saan utos ng maypoong maykapal.” Habang pagtagal nang patagal ay alam ni Wave na pahirap nang pahirap rin ang misyong natatanggap niya. Pero wala siya roong magagawa dahil sinusunod lamang nila ang utos sa kanila ng Maylikha. “Ano ang misyong nakatalaga sa akin ngayon?” Kumumpas ng kamay si Sun at may lumabas doong nakakasilaw na ilaw na kulay dilaw. Naghugis bilog iyon sa ere na mistulang isang screen. Lumitaw roon ang isang babae na umiiyak at humahagulhol na nasa loob ng kulungan na umaapoy. At pagkakita pa lang ni Wave sa babae ay nakita niya agad kung kailan ito namatay. May dalawang buwan pa lamang itong namatay mula sa taon kung saan hanggang ito nabuhay. “Iyang babae na iyan ang misyon mo. Dininig ng Panginoon ang panalangin niyang iligtas ang kaluluwa niya mula sa pagdudusa. At dahil sa labis niyang pagsisi sa kaniyang kasalanan ay nahabag ang Diyos sa kaniya. Kailangan mong maitama ang mali niya sa nakaraan at mailigtas siya mula sa mga kapahamakan. Siguraduhin mong magbabago ang takbo ng buhay niya sa nakaraan para mailigtas ang kaluluwa at ang kamatayan niya sa kasalukuyan. Dapat ay matapos mo ito sa loob ng dalawang buwan. Iligtas mo ang kaluluwa niya para huwag siyang masunog sa impyerno. Sa halip niyan ay bigyan mo rin ang pagkamatay niya ng hustisya. Hanapin mo kung sino at kung ano ang dahilan ng pagkamatay niya. Gawin mo ang lahat, magawa mo lang ang misyon mo, Wave. Pero huwag kang papakampante dahil sa bawat misyon ay may nakatalagang pagsubok at hadlang. Maging handa ka sa kung anong bagay at kapahamakang darating.” Hindi maiiwasan sa misyong binibigay sa kanila ay may mga hadlang. Ito ay mismong pinapadala rin ng kanilang pinuno para masubukan ang kanilang tibay at galing bilang isang time traveler. Tumango si Wave sa mahabang sinabing iyon ni Sun. Naiintindihan na niya at alam na ang kaniyang gagawin. “Anong pangalan ng babaeng 'to?” “Asula Cerulean. Mula sa bansang Pilipinas taong 1930.” Pagkatapos iyong sabihin ni Sun ay naglaho ito sa kaniyang harapan at nagmistulang parang isang napakaliit na ilaw at lumipad palayo sa kaniya. Wala na siyang magagawa kundi umpisahan na niya ang misyong itinalaga sa kaniya. Tumatakbo ang oras, lalo na at dalawang buwan lamang ang ibinigay sa kaniya. Ikinumpas niya ang kamay at naglikha ito ng isang along pabilog. Lumusot siya roon. Balak niyang pumunta sa isang tindero, sa Pilipinas 1970, sa tindahan ng mga barako. Pumunta nga si Wave sa tindahan ng mga barako at nagtungo sa mini shop ng isang matandang tindero. Nakilala agad siya nito nang makita siya. “Anong kailangan mo, ijo?” agad na tanong nito. “Tulad ng dati, manong.” Alam na ni Manong Karlo ang ibig niyang sabihin. Ang tanging binibili niya lang rito ay ang paborito niyag kasuotan. Ang itim na cloak. Kailangan niya ng pitong piraso no'n para sa panibago niyang misyon. Mabilis na inakaso ng matanda ang bibilhin niya. Hindi nito alam na isa siyang time traveler. Nakilala niya lang ito noong isang araw nang maglakbay siya rito sa lugar. Kailangan niya tuloy balikan ang taon na ito para hanapin kung ano at sino ang dahilan ng pagkamatay ng babaeng iyon para mailigtas niya ang kaluluwa nito. Pero bago muna iyon, kailangan niyang bumalik sa nakaraan kung saan niya makikilala ang babaeng nasa kaniyang misyon. Kailangan niyang bumalik sa Pilipinas taong 1930. Mula sa kaniyang pagtatanaw sa nakaraan, sa babaeng iyon na si Asula. Isa itong bayarang babae at masaklap ang pinagdaanan nito kung kaya't humantong ito sa ganoong sitwasyon. At alam niyang iyon ang napakalaking kasalanan ni Asula na kailangan niyang baguhin. Kailangan niya itong iligtas mula sa pagkakasalang bilang bayarang babae. Lumapit sa kaniya si Manong Karlo at agad na iniabot sa kaniya ang isang hindi kalakihang kahon. Sigurado siyang nandoon na ang pitong itim na cloak sa loob. Inabutan niya ang matanda ng bayad saka siya nagpasalamat rito at umalis na rin. Hindi niya ugaling magsayang ng oras. Tumatakbo ang oras, at ang bawat takbo niyon ay sayang. Habang siya'y naglalakad ay ginamitan niya na ng mahika ang itim na cloak na hindi napapansin ng mga taong kaniyang nakakasalubong. Hanggang sa marating niya ang pwesto ng isang matandang lalaki na nagtitinda ng mga orasang pendant at ng mga relo. Tinawag siya nito pero hindi niya pinansin. Nagtago siya sa likuran ng isang tindahan saka naglikha ng lagusan. At napunta siya sa year 2050 ng Pilipinas. Sa kaniyang paglalakad ay may nakasalubong siya. “I can give you this whole, man. Just buy it,” wika ng isang matanda sa isang lalaki na nakasuot ng isang itim na jacket hanggang sa paanan nito ang haba. Mukhang negosyante ang matandang lalaking nagsasalita sa kanyang harapan dahil sa paraan ng pananalita nito. Ingles. Umiling siya saka ngumiti rito. Kahit na anong pilit nito sa kanya ay hindi niya mabibili ang isang bagay na iyon. “Pasensya na po, pero hindi ko mabibili iyang gusto niyong ipabili sa akin.” Akma na sana siyang tatalikod rito nang hawakan nito bigla ang kaniyang kamay. He found him weird. Nanlalaki ang mga mata ng matandang lalaki saka ipinilit nitong idutdot sa kanyang kanang kamay ang isang pabilog na orasan. Kumunot ang noo niya. Ibabalik niya sana rito ang bagay na iyon nang bigla itong magsalita . “You are bound to take that time pendant. You need that in your mission. Mag-iingat ka at huwag na huwag kang pumunta sa peligro. Siguraduhin mo hanggang dulo ay matapos mo ang misyon mo. Gamitin mo ang iyong isip at huwag papakinggan ang puso mong magpapahamak sa iyo.” Ibinaling niya ang kanyang paningin sa isang pabilog na orasang maliit na nasa kanyang kamay saka hinawakan iyon nang mahigpit. Magsasalita na sana siya at magpapasalamat sa matanda nang mawala na lamang ito bigla. Nilibot niya ang kanyang paningin sa buong paligid pero pawang mga tao na lamang na paroon at parito ang kanyang nakikita. He is from the past, and he came for the future. Ipinanganak siya para sa iisang misyon na nakaatang sa kaniyang mga balikat, simula noong bata pa siya. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang pabalik-balik sa kasalukyan para linisan ang buong sanlibutan. Ikinumpas niya ang kaniyang kamay sa isang pader at sa isang iglap naging pintuan iyon na patungo sa bagong mundo na nakasulat sa kapalaran niya. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa isang pendant na orasan. Kabaliktaran na ngayon ang sitwasyon. Dahil mula siya sa kasalukuyan at babalik siya sa nakaraan. It means, he is from the future and he need to go back in the past. Pagka-apak na pagka-apak niya sa lagusan ay ang siyang pagbabago ng mundo para sa kaniya. “From Philippines 2050 to Philippines 1930. 120 years from now.” Lumakad na siya at nakisabay sa mga daloy ng tao na naglalakad sa gitna ng kalsada. “Marami talagang mga dapat linisin sa lugar na ito, kahit naman siguro taon-taon marami silang dapat na mawala.” Luminga-linga siya sa paligid na parang may hinahanap na kung ano. Dapat niyang mahanap sa lalong madaling panahon si Asula Cerulean. . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD