SA PAGALAKAD NI WAVE sa buhanginan kung saan si Asula Cerulean na ang babaeng kaniyang misyon naroroon ay hindi na sinayang pa niya ang pagkakataong magpakita rito.
Gumamit siya ng kaniyang abilidad na lumitaw sa ibabaw ng tubig para mas maagaw ang atensyon nito mula sa malalim na pag-iisip.
Alam ni Wave na ang iniisip nito ay ang kalayaan pero malaki ang takot ng babae sa kaniyang dibdib kayà hindi magawa nito ang nais na gawin. Kung ganoon mas mapapadali ang misyon niya dahil hindi siya mahihirapang palayuin sa kasalanan si Asula.
Pero ang problema ay ang mga hadlang na gagawin ng isa sa mga uutusan ni Sun na hadlangan siya sa paggawa ng kaniyang misyon.
Salamat sa ibinigay na orasan sa kaniya ng matandang lalaking iyon mula sa taon Pilipinas 2050. Dahil roon ay madali siyang nakapunta agad sa kinroroonan ng babaeng si Asula.
Noong una'y gulat na gulat itong makita siya. Pagkaharap pa lang niya rito'y ramdam na ramdam niya ang kalungkutan nito.
Sa pagtanaw niya sa mata nito'y agad niyang nabasa ang maasalimuot na nakaraan ng babae. Doon siya nakatayo sa mismong panahon at pinangyarihan ng nakaraan ni Asula.
WALANG PIGIL SA PAGLUHA ang mga mata ng batang si Asula habang nakatitig sa kawalan. Nakaupo siya sa barong-barong nilang bahay. Suot ang manipis at guya-guyanit ng bestida. Habang nakaluklok siya sa hagdanan ng kanilang bahay. Walang sapin ang manipis na paa.
Pulos galos ang buo nitong katawan at marungis. Kahit makita mo pa lang ay parang ayaw mo nang gugustuhing lapitan. Bagama't ganoon ang nakikita ni Wave ay hindi siya nakaramdam ng pandidiri rito. Sa halip ay kinaawaan niya ang batang si Asula.
Gusto niya itong lapitan pero hindi niya magawa dahil vision niya lamang ang pangyayaring iyon. Nanonood lamang siya roon at hinihintay kung ano ang masusunod na mangyari.
Sa nakikita niyang batang si Asula noon at ang Asula niyang kaharap ngayo'y walang iba. Ang batang si Asula ay matapang at walang kinakatakutan. Kuntento sa kung ano ang mayroon at hindi na naghahangad pa ng isang bagay na hindi kaya. Ngunit puno naman ng kalungkutan ang mga mata nito. Samantalang ang Asula ngayo'y matapang ngunkt dinadaig at nagpapadaig sa takot. Puno ng lungkot at gusto nang maging masaya at malaya.
Tumayo mula sa pagkakaupo ang batang si Asula nang makita ang ina na may bitbit na mga basket. Naglalako kasi ito ng kung anong kakanin o pagkain para lang may mapagkunan silang pera at makain sa araw-araw. Ang Papa naman niya'y isang driver ng pedicab — isang klaseng di-pedal na sasakyan— kung saan kakarampot lang rin ang kita.
Nagmano si Asula sa ina nito. Ngumiti ang matandang babae saka siya niyakap nang mahigpit. Inabot sa kaniya ang isang supot ng plastik na may lamang nilutong pansit.
“Galing iyan doon sa kumare ko, anak. Kaarawan raw kasi ng anak niya. Inimbetahan niya akong pumunta sa kanila pero nakakahiya naman saka isa pa nagtitinda ako. Kung kaya't pinagbalot na lamang niya ako. Hindi na tayo mamomoroblema pa sa ulam natin ngayong gabi.”
Ngumiti si Asula. Nakikita ni Wave na sa simpleng pagkain na iyon ay masaya na ang bata. Kumislap kasi ang mata nito.
Inilagay ng kaniyang ina ang basket sa ibabaw ng hagdan. “Nasaan na ang ama mo? Andito na ba siya? Nang makaluto na kami at tayo'y makakain.”
“Nay, ang aga pa po. Hindi pa nga tuluyang lumulubog ang araw sa kanluran. Wala pa si tatay, baka mamaya andito na rin iyon. Maupo ka na muna, nay, saka magpahinga. Aayusin ko lang itong pansit na binigay sa iyo. At ako na ang magluluto ngayon para sa inyo.”
“Sandali anak, napansin ko kanina na may bahid ng luha ang pisngi mo. Umiyak ka ba?”
Umiling si Asula para hindi na mag-alala ang kaniyang ina. “Wala ho, nay. Napuwing lang po ako kanina.”
Tumango naman ito saka ngumiti sa kaniya. Tumalikod naman si Asula at umakyat na sa loob ng kanilang barong-barong na bahay.
BIGLANG PUMALIT ang eksena sa pananaw ni Wave. Nasa pedicab siya, kasama sa loob si Asula na tumatawa kasama ang ina nito. Habang ang nagpepedal ay ang ama nito.
Sa mga oras na ito'y masayang-masaya si Asula habang kasama ang mga magulang na nagtatawanan. Hindi na rin mapigilan ni Wave ang ngumiti na nang tuluyan.
Isang masayang pamilya kahit na lubog na lubog na sa kahirapan. Hindi niya man lang naranasan ang ganito noong nabubuhay pa siya sa mundo. At hindi niya mapigilang mainggit sa batang si Asula na walang tigil sa pagtawa ngayon sa harapan niya.
Nakisabay na rin siya sa kanta ng magpamilya. Ang kantang magtanim ay hindi biro.
Mabilis na naman ulit pumalit ang eksena. Nasa loob pa rin siya ng pedicab pero ngayo'y nakikita niya sa mga mata at mukha ng mag-ina ang takot at kaba.
“Nawalan ng preno!” sigaw ng tatay ni Asula habang walang tigil sa pagpigil nito ng pedicab na pinapatakbo.
Umiiyak na si Asula habang yakap-yakap ng ina nito.
Nang mapadaan sila sa madamong lugar ay bigla na lamang hinalikan ng babae si Asula at niyakap nang mahigpit. Nakikita ni Wave ang pagmamahal at pagkalungot sa mga mata nito.
Hindi na niya mapigilan pa ang sarili. Sinubukan niyang pigilan ang babae sa pamamagitan ng paghawak nito sa pulsuhan nang tumagos lamang ang kamay niya. Nakalimutan niya na nasa eksena lang pala siya ng isipan ni Asula.
“Mahal na mahal kita, anak. Patawad,” wika ng lalaking nagsisipa ng pedal.
Mukhang alam na ni Wave ang tatangkaing gawin ng mag-asawa para sa anak.
“Mahal na mahal ka namin,” madamdaming wika ng babae.
Bago pa makapagsalita pa ang batang si Asula ay tinulak ito ng babae palabas ng pedicab. Nakita ni Wave kung paano itong bumagsak sa damuhan, bago pa sila nakalayo na nang tuluyan.
Sigaw nang sigaw at iyak nang iyak ang batang si Asula habang tanaw ang papalayong pedicab kung saan sakay ang kaniyang mga magulang.
Nakita niya lamang na bumangga ang mga ito sa poste. Hindi naman malakas ang pagkakabangga ng mga ito kung kaya't nakaligtas. Mga galos lamang ang natamo.
Akala niya'y sa ganoong sitwasyon nawala ang mga magulang ni Asula, hindi palà.
Mabilis ulit pumalit ang eksena. At napanganga siya dahil sa pagbungad ng eksena. Nakatapis lamang ng tuwalya si Asula habang nagbibilad ito ng damit sa labas. Napalingon si Wave sa paligid at mabuti na lamang walang mga kabit-bahay na naninilip kay Asula.
Mukhang walang paki-alam ang mga taong naroroon sa eskenita. Mukhang sanay na ang mga ito sa ganoong tanawin. Samantalang si Wave ay pinagpapawisan. Hindi niya alam na simula palang mag-dalaga si Asula ay maganda na talaga ito at may magandang hubog ng katawan. Ito pa rin ang Asula niyang kaharap hanggang sa panahon ngayon na kkaharap na niya ang mismong edad nitong bente.
Pumasok na sa loob ng bahay si Asula. Hindi na sumunod pa si Wave at nanatili sa labas. Hinintay niyang lumabas si Asula. At nang lumabas na ito ay nakabihis na ng damit. Maluwag na t-shirt saka maluwag na pants. May butas-butas pa iyon at mukhang pinagtagpian ang ilang butas ng ibang tela para lang mabuo.
Pero para kay Wave ay hindi nakabawas sa kagandahan ni Asula ang pananamit nito. Mas lalo pa nga itong gumanda. Humanga si Wave sa ka-simplehan ng babae.
Nakita niyang maglalakad na sana papalayo si Asula nang marinig nito ang ama na sumigaw mula sa loob ng bahay na barong-barong.
Biglang pumalit ang eksena at nasa loob sila ng isang mababang ospital. Masa gilid ng pasilyo si Asula habang nakaluklok kasama ang ama. Yakap-yakap nila ang ina na maysakit. Nawlan na lamang ito ng hininga. Hindi man lang sila binigyan ng atensyon ng mga nurse at doktor na naroroon dahil sa walang maibayad na pera. Namatay ang ina ni Asula dahil sa malubhang sakit na tuberculosis. Dahil sa pagod ito at pawisan ay sige pa rin ang kayod at walang pahinga.
Kumuyom ang mga kamay ni Wave dahil sa nasaksihan. Sobrang sakit ng eksenang iyon para sa kaniya. Tuloy gusto niyang turuan ng tamang-asal ang mga nurse na naroroon at mga doktor.
Inilibing ang nanay ni Asula sa isang madaling paraan. Inilagay sa isang karton saka dinala sa puntod at nilagay sa hukay. Wala nang sere-seremonya dahil sa kahirapan. Lahat ng iyon ay nasaksihan ni Wave.
Biglang pumalit ulit ang eksena at ang sumalubong kay Wave ay kung saan namatay ang ama ni Asula sa loob ng barong-barong. Hawak-hawak ng dalaga ang ama nito na wala nang buhay. Umiiyak ito. Sa pagkakabasa ni Wave sa alaala ni Asula ay may sakit ang ama ng appendicitis. Dahil sa kahirapan ay wala na namang nakaligtas sa mga mahal sa buhay ni Asula.
Sabay silang napalingon ni Asula sa pinto ng barong-barong ng may kumatok rito ng malakas. Nakita ni Wave na tumayo si Asula at pinahid ang mga luha sa pisngi. Lumpait ito sa pintuan at pinagbuksan ng pinto ang sinomang kumatok mula sa labas.
Mayamaya ay bumungad sa kanila ni Asula ang mukha ng isang lalaki. Base sa suot nito ay mayaman ito. Sa unang tingin pa lang ni Wave ay alam niyang may damdamin ito ng babae kahit na isa itong lalaki. Base na sa mga kolorete nito sa mukha at suot na saya habang pumapaypay ng mamahalin na pamaypay.
“Ako na ang bahala sa libing ng ama mo. Basta sumama ka sa akin, Asula. Ako na ang bahala sa iyo, ang dapat mo lang gawin ay ang magtrabaho para sa akin,” wika ng lalaki sabay tingin nito kay Asula.
Tumingin sa labas si Wave at nakita niya ang mga men in black na nasa labas. Sa unang tingin pa lang niya sa lalaki ay nabasa na niyang isa itong tao na may masamang gawain. At hindi siya pwedeng magkamali na ito ang dahilan kung bakit naging isang ganap na bayaramg babae si Asula.
Ngali-ngali siyang suntukin ang lalaki pero hindi niya magawa. Hindi niya akalain na sa ganoong edad ay pinagsamantalahan na ang bataang katawan at isipan ni Asula. Apat na taon mula sa panahong ito hanggang sa panahon ngayon.
Biglang umiba ang eksena at napunta na sa sitwasyon kanina kung paano siyang nagpakita kay Asula. Hindi niya lubos maisip na ganito na katapang ang kaharap niyang babae ngayon. Pinatapang ng mga pinagdaanan sa buhay. Pero hindi maipagkakait ang takot nitong mamatay na hindi nagbabago at nakakatakas sa amo nitong baklang si Marco.
Ngayong hawak na niya sa leeg si Asula ay hindi na niya sasayangin ang pagkakataon. Gagawin niya ang lahat mailigtas lang ang kaluluwa nitong magdusa sa impyerno.
Hindi dapat maranasan ng babaeng ito ang kahirapan at pasakit na iyon habang-buhay. Dahil hindi nito sinadya ang nangyari sa buhay nito. Pinaglaruan ito ng panahon kung kaya't nagdudusa ito ngayon.
Hindi magtatapos ang dalawang buwan at maililigtas niya ito. Kung hindi lang ganoon kahirap ang mga pagsubok na hahadlang sa kaniya— sa pagligtas niya kay Asula.
KUMAMOT SI WAVE sa kaniyang batok nang maramdaman na naman niya ang mahigpit na pagkapit sa kaniya ni Asula. Papasok sila ngayon sa bahay ng matandang si Geoban. Aalamin niya kung ano ang kinalaman ng matandang iyon sa pagkamatay ni Asula.
Dahil sa ngayon ay hindi niya mapagkakatiwalaan ang pangitain niya dahil mukhang manipulado iyon ni Sun. Iisa lang ang ibig-sabihin nun. . . ito na ang isa sa mga hadlang sa misyon niya.
Ang ilan ay totoong pinapakita sa kaniya ang pangyahari pero iilan lamang at kasinungalingan na ang pinapakita sa kaniya. Kaya't wala siyang ma-aasahan sa mga oras na ito kundi ang kutob, lakas at abilidad niya sa mahika.
“Saan na naman tayo pupunta?” tanong ni Asula sa kaniya nang humakbang siya ng dalawang beses.
Nakabuntot pa rin ito sa kaniya. Wala na siyang magagawa kundi ang isama ito kanina dahil baka makita ito ng Marco at magkabulilsayo pa ang misyon niya.
“Papasok tayo sa bahay ng matandang iyon.”
Nakita niyang nanlaki ang mga mata ni Asula. Hindi niya mapigilan ang mapatawa. Matatakutin talaga ang babaeng ito na kasama niya. Hindi niya alam kung saan ito natatakot eh, kung sa mangyayari ba o sa kasama siya nito?
“Lets go, we have no time. Kailangan natin agad makuha ang sagot kung anong maitutulong niya para masagot kung ano nangyari sa iyo. At kung paanong kita maililigtas.”
Hinawakan niya ito sa pulsuhan at walang kahirap-hirap niyang nabuksan ang lock sa gate.
“Ayaw—” Hindi na natuloy pa ni Asula ang pag-angal nang makapasok na silang dalawa ni Wave sa loob ng maliit na bahay ni Geoban.
Masasagot na bang talaga ang katanungan nila ni Wave at kung anong kinalaman nito sa pagkatao niya? At kung ano ang nangyari sa kaniya sa nakaraan?
. . .