Napalingon si Blue sa sunod-sunod na pagkatok sa pintuan. “Babe?” Anang boses ni Frost sa labas. “Dy, I gotta go!” Paalam ni Blue sa kaibigan. Hindi na niya hinintay ang sagot nito— pinindot na niya ang end button saka pinasadahan ng tingin ang sarili sa salamin. She’s wearing a black long ball gown. Mahaba ng sleeves at malalim na malalim ang v neckline habang tulli naman ang pinaka-palda niya at hapit na lace ang tela sa katawan. Ang buhok ni Blue ay itinali niya pataas. Nag-iwan lang siya ng kaunting strands sa magkabilang gilid ng tainga. And to complete her look, kumikitang ang maliliit na diamonds ng necklace na ipinasuot sa kaniya ni Mama Catalina. One final look, tinungo niya ang pintuan at pinagbuksan si Frost. She immediately smiled when she saw him, leaning at the side

