Kinagat ni Blue ang kamay ng lalaking nakatakip sa kanyang bibig kaya bigla siyang nabitiwan nito. Tatakbo sana siya palayo pero kaagad na hinila si Blue ng lalaki pabalik at isinakay sa kotseng itim na nakaparada sa parking lot. "s**t! Ang sakit!" Narinig niyang reklamo nito. "Bakit ka nangangagat?" "Bakit hindi?! You abducted me!" Sigaw ni Blue sabay kinalampag ang bintana. "Help! Help me! Frost!" Nagawa pa talagang magtanong ng kidnapper na ito! "What the hell... stop it!" "Tulong!" Hindi niya ito pinansin habang patuloy na kinakalampag ang bintana. "Tulungan niyo ako! Kinidnap ako—" Nanlaki ang mga mata ni Blue nang magsimulang umandar ang sasakyana palabas ng malaking gate ng Villa Los Palmas. Oh! No! No! Pumihit siya paharap sa lalaking nakatutok ang tingin sa daan,

