"So, may nangyari na nga sa inyo?!" Inayos ni Blue ang suot na brim hat at inilibot ang tingin sa paligid. Kasalukuyang nandito siya sa isang beach sa Batangas. Sa set ng bagong indorsement ni Paige. Abala ang production team sa pag-aayos sa lugar. Hinihintay na nga lang ni Blue na tawagin siya ni Direk Levi nang tumawag naman itong si Dylan. At syempre ikinuwento niya ang nangyari sa kanila ni Frost kagabi. "Oo..." kagat ang ibabang labi na tugon niya. "Shutangama!!" Sa lakas ng tili nito nailayo ni Blue ang cellphone sa tainga. Kung hindi nabasag ang eardrums niya. "Ang OA mo, Dy!" "OMG! I feel so old! Di ka na virgin!" "Feel so old? Magka-edad lang tayo! Pinagsasabi mo diyan." "Duh..." maarteng sabi nito. Na kahit hindi nakikita ni Blue ay alam niyang na tumirik ang m

