Chapter 2

2287 Words
“What did you do this time, Pa?” Malumanay na ngunit matigas na tanong ni Blue sa ama kahit ang totoo ay parang bibigay na ang pasensya niya. Pagkatapos magsilayas ng mga pinagkakautangan nito kaagad na tinawagan ni Blue ang amang si Roman. Pang-siyam na tawag ay sumagot ito at sising-sisi na naman sa ginawa. Bagay na hindi na mabilang ni Blue kung ilang beses na nangyari. Hindi na niya mabilang kung ang mga problemang pinasok ng ama. At sa tuwina’y siya ang naiipit at umaareglo sa mga ‘yon. Kaso iba ang lagay ngayon. Kalahating milyon! That was a huge money! Kahit ang savings na inipon ni Blue ng dalawang taon hindi sapat pambayad sa inutang nito! “Sorry, Anak. Hindi ko naman akala na biglang malulugi ang pera nila,” nanlulumong sagot ng ama. “Saan mo ba kasi ginamit ang pera, Pa? Ang laking halaga no’n! Nagsusugal ka ba?” “Hindi, Blue! Alam mo namang ayaw ng nanay mo ng ganoon…” Napabuntong hininga siya. Nauunawaan niyang hanggang ngayon nagluluksa pa rin ang Ama sa maagang pagkawala ng asawa nito. Pero hanggang kailan? Halos isang dekada na ang lumipas. Hindi na niya sigurado sa susunod kung magagawa pa niyang areglohin kapag pumasok na naman ito sa panibagong trouble. “Eh, saan mo nga dinala ang pera? Bakit ka nagtatago?” “Sa trading, anak. Natutunan ko ito sa Tito Charles mo. Wala naman akong malaking halaga pang-invest— kaya kumuha ako ng mga investor. Ang offer ko sa kanila, sampung porsyento sa kikitain ang sa akin buwan-buwan. Pumayag naman sila at maayos ang galaw ng market. Kaya lang biglang bumulusok paibaba ang stocks. Ayon, nalusaw lahat ng perang in-invest ko.” Napasapo sa noo niya si Blue at mariing napapikit. Hindi naman siya ignorante pagdating sa pag-iinvest. Sa katunayan ay may maliit rin siyang investment sa stocks exchange. Long term iyon dahil alam niya ang risk ng pagbaba at pagtaas ng stocks sa market. May ilan siyang kakilala na nalugi rin ng malaking halaga. At sabi ni Dylan sa kaniya laro daw ‘yon ng mayayaman. Sila-sila ang naglalaro ng stock sa market. Which is true. Dahil ngayon namamayagpag ang Channel 6 na pag-aari ng mayamang pamilya. “Pa, hindi lang ganoon ang stocks na bibili ka at ibebenta mo. Kailangan niyan ng mahabang pag-aaral. At kailangan handa ka risk. Ilang buwan mo na bang ginagawa ‘yan?” “Isang buwan…” “Isang buwan?!” Gulat na bulaslas ni Blue. At nagawa nang kumuha ng investors! “Nakita ko kasi sa Tito Charles mo, ang laki ng kinikita niya. Sinubukan ko muna maglagay ng kaunting halaga. ‘Yong naipon ko sa pagiging financial advisor. Lumago siya anak. Kaya naengganyo akong maghanap ng investors. May ikalawang batch na nga sana, kaso ayon nalugi.” My god, paano pala kung hindi nalugi? Baka mas nabaon siya sa utang! “Sorry, anak.. gusto lang naman kitang matulungan sa mga gastusin. Sorry…” Huminga ng malalim si Blue. “Sige na, Pa. Iisip pa ako ng paraan saan kukuha ng pera.” Hindi na niya hinintay na magsalita ang ama, ibinaba na ni Blue ang tawag. Pagod siyang napaupo sa swivel chair, maingay na pinipindot-pindot ang dulo ng hawak na ballpen, nakatulala sa malayo nag-iisip. Pagkatapos ay parang luka-luka na ginulo ni Blue ang buhok at isinubsob ang noo sa desk. Kahit anong isip ang gawin niya! Wala siyang maisip na paraan saan kukuhanin ang kalahating milyon na ‘yon sa loob ng dalawang linggo! Ano siya magician? At kahit ibenta ang dalawang kidney, kulang pa rin ‘yon! Naabutan siya ni Dylan sa ganoong tagpo at ang magaling na bruha, tinawanan pa talaga siya. “Anyare sa ‘yo, beh? Mukha kang inagawan ng lalaki.” Ngumuso si Blue at bumangon mula sa pagsubsob sa lamesa saka padabog na sumandal sa swivel chair niya. “Excuse me. Kung lalaki lang rin, di mo ako makikitang magmukmok. Boys are my least problem.” “Kung magsalita akala mo nagka-jowa na,” umiismid na naupo ito sa harapan niya at inilapag ang paper bag ng take out sa isang fast food chain. “Teka nga.. saan ka ba nagpunta kanina?” Kunot noong tanong niya. Bigla na lang kasi itong nawala habang kinukuyog ng mga nabiktima ng ama. “Lumabas nagpahangin. Alam mo namang allergic ako sa mga tanders!“ kinumpas nito ang kamay bago binuksan ang pagkain nito. “Oh, ano na palang ganap? Nakausap mo na ba ang ‘yong father dear?” Napabuntong hininga na naman si Blue at kinuwento rito ang naging pag-uusap nilang mag-ama. Open book ang buhay niya kay Dylan. Wala naman kasi siyang ibang kaibigan kung hindi ito. Nagkakasundo kasi sila sa lahat ng bagay kahit magkaiba ang pag-uugali. Fun and extrovert ang kaibigan. Boring at introvert naman si Blue. “Kailan ba kasi magsasawa si Tito Roman sa trouble spree niya?” “Hindi ko alam. Ang mas pinoproblema ko ngayon, saan ko kukunin yong kalahating milyon, Dy.” Hinilot ni Blue ang noo. “May alam ako.” Kunot noong binalingan niya ang kaibigan. “Ano? Saan? Paano?” “May nakita akong bagong bukas na high end club sa QC! Naghahanap ng performer! Samahan kitang mag-apply!” Hindi napigilan ni Blueberly na ihampas rito ang nadampot na planner. “Seriously, Dy! Mabubuang na nga ako kaiisip rito saan kukuha ng pera! Puro ka pa kalokohan!” “Hala, Gaga! Seryoso nga ako! Pakinabangan mo man lang ‘yang ganda at katawan mo, Mah! Jusko, malaki ang kitaan doon akala mo ba!” “Kahit malaki ang kitaan, hindi ako naman tatanggapin doon! Di ka ba nag-iisip! Parehong kanan ang paa ko! Matigas pa sa kaning lamig ang katawan ko!” “Madali nang remedyohan ‘yan! Konting practice lang!” Naiiling na hinilot ni Blue ang sintido. “Pwede bang yung makatotohanan naman ang i-suggest mo, Dylan!” Aniyang pinandilatan ito . “Alam ko na! Mas madaling paraan ito!” “Ano na naman yan?” Pabuntong hiningang usal niya. Wala lang talaga siyang choice! She badly need the money. Baka naman may naisip nga itong maganda. “What if humanap ka na lang ng afam na sugar daddy sa LickMyNips.com!! Maaah, patok na patok ang asian beauty sa kanila!” Helpless na bumuntong hininga si Blue at ibinagsak ang mukha sa desk. Wala talaga siyang aasahan sa lalaking ‘to! *** “Hihingi ho sana ako kahit konting palugit.” “Anong palugit! Dapat nga noong isang buwan pa kami nakakuha ng income na ipinangako ng tatay mo! Tao namin siyang pinagkatiwalaan! So, tao mo rin kaming bayaran!” Galit na ibinagsak ng babae ang kamao sa lamesa habang sabay-sabay na sumang-ayon ang mga kasama nito. Naririto na naman sa Cake shop ni Blue ang mga inutangan ng Ama. Sa lumipas na tatlong araw, walang ginawa ang mga ito kundi guluhin at pagbantaan siya. Nadadamay na ang mga customer sa pang-eekandalong ginagawa ng mga ito. Hindi naman niya magawang i-report sa pulisya, baka siya pa ang ikulong dahil sa utang ng Papa niya. “Ma’am, hindi ko ho kayo tatakasan. I just need a little more time. Hindi ko talaga kakayanin mabayaran ang ganoon kalaking halaga sa susunod na linggo. You see…” kagat ang ibabang labi na inilibot ni Blue ang tingin sa maliit niyang cake shop. Namataan pa niyang nagmamadaling lumabas ‘yong tumitingin at bibili sana ng cake. “Bago at maliit lang po itong shop ko. Wala rin akong ibang pinagkakakitaan bukod rito. Kahit isang buwang palugit lang ang hinihingi ko.” Nagsalubong ang kilay ng babaeng mataba, na inatasan ata ng mga itong maging spokes person. “Hindi na namin kasalanan kung wala kang ibang income! Aba, hindi namin pinulot ang perang ‘yon!” Binalingan nito ang mga kasama. “Di ba mga kasama?” “Oo nga! Iharap mo yang tatay mo sa amin! At ibalik ang pera namin!” Pag-sang ayon ng mga ito. Kung sa kaniya nga ay hindi nagpapakita ang tatay niya at hindi niya malaman kung nasaang lupalop ba ito ng Pilipinas. Sa mga ito pa kaya. Napaatras si Blue nang biglang ilapit ng babaeng tagapagsalita ang nagmamantika nitong mukha. “Hindi ka makakatakas sa amin.” Dinuro nito ang mata saka dinuro rin ang mata niya na tila sinasabing Im-watching-you. “Hanggang hindi mo nababayaran ang perang itinakbo ng tatay mo, hindi ka namin titigilan! Tara na, guys!” Nasundan ni Blue ng tingin ang mga ito palabas ng shop bago dahan-dahan at tulalang napaupo sa single couch. Wala na siyang pakialam sa mga costumer na kunot noong nakatingin sa kaniya. Blanko ang isip na natuon ang tingin sa flatscreen TV na nakadikit sa dingding. Showbiz Balita: Paige Santilla, primadonna nga ba sa set? Ilang araw na raw palaging late ang binasagang Television Princess sa mga tapings! At nito ngang nakaraang mga linggo ay hindi na raw ito, nagpapakita sa mga commitment. Naloloka ang mga netizen at bakla sa parlor! Hiningan ng panayam ng ating programa ang kampo ng dalaga subalit tikom ang bibig ng mga ‘to. Magpapahinga kaya muna ang dalaga sa mundo ng showbiz? Naiiling na sumalong-baba si Blue, nanatiling nakatulala sa TV. Heto, ang taong nasa kaniya na ang lahat; money, fame, luxurious life. Pero binabalewala? And here I am… struggling to earn money for a little savings, na ngayon pambayad utang na! Napabuntong hininga siya. Why life is so unfair? *** “Ma’am mauna na po kami.” Tinanguhan ni Blue ang dalawang staff na sumungaw sa loob ng opisina niya. Pasado alas sais na pala. Hindi na niya namalayan ang oras. Iniunat ni Blue mga braso saka hinilot ang batok na nangalay mula sa maghapong pag-co-computer bago sinimulan na ring ligpitin ang mga gamit sa desk. Siya ang huling umuuwi. Wala naman kasing ibang pinagkakaabalahan sa buhay si Blue. Hindi tulad ni Dylan. Masyadong maraming aktibidades ang baklang ‘yon. Gabi-gabi atang nasa mga gay bar at club. Ikinandado ni Blue mabuti ang pinto ng shop, saka nilakad na ang daan pauwi sa tinuluyan niyang condo unit ilang bloke lang ang layo. Nakabukas na ang ilaw sa mga lamp post na nadadaanan niya. Its already past 7PM. Mas buhay ang lugar na ito kapag gabi. Dahil ilan sa mga nagtataasang gusali rito ay mga call center site. Mayroon pang night market sa kabilang kalsada. Lumingon si Blue sa Korean shop na nasa nadadaanan niya. Sa sobrang hilig niya sa KDrama, na-curious siyang tikman ‘yong mga pagkaing napapanood niya roon. And food has always been her salvation. Kapag malungkot at stress sa trabaho at sa tatay niya, kinakain lang ni Blue ang comfort food niya magiging okay na siya. Pumasok siya sa shop at nagsimulang mag-ikot-ikot hawak ang basket. Kumuha siya ng lettuce, kimchi, korean sausage… “Fish cake!” Tuwang-tuwa sabi niya sabay inilagay rin ‘yon sa basket. Pag-angat ni Blue sa kaniyang tingin— nahuli niyang mabilis na nagbaling ng tingin sa ibang direksyon ang lalaking nakatayo ilang hakbang ang layo sa kaniya. He was wearing a long khaki coat and brown cap. Kaya hindi niya masiguro kung nakatingin ba ito sa kaniya o nagiging paranoid lang siya? Ipinagpatuloy ni Blue ang pagtingin-tingin sa mga shelves. But she could feel someone is watching her. At sa tuwing lilingon siya sa paligid, nakikita ang lalaking naka-coat. Huminga ng malalim si Blue. At dumiretso sa counter. Pagtapos bayaran ang mga pinamili mabilis siyang lumabas ng shop at malalaki ang hakbang na binabaybay ang side walk. Pasimple siyang lumingon sa likuran at kinabog ang dibdib niya nang makitang halos sampung hakbang ang layo sa kaniya, naglalakad ang lalaking nakasuot ng coat. Dinukot niya ang cellphone sa loob ng bag. “Hello, Dylan!” “Yes, Mah?” “I think I was being followed!” Bulong niya rito at muling lumingon sa likuran. He was still following her. “Gosh! He was really following me!” “Hello, Blue! Hindi kita marinig!” Rinig niya sa background ang malakas na party song. “You were… what?!” “I was being followed—“ napasinghap si Blue nang pagliko sa dulo ng daan ay bigla siyang bumangga sa isang bulto. Sa lakas ng impact, napaatras siya at nawalan ng balanse. Napapikit siya ng mariin, inaasahan na ang pagbagsak sa lupa subalit may mga bisig na pumulupot sa beywang niya. “Miss, are you okay?” May bakas ng gulat at pag-alalang tanong ng malago at malalim na boses. “I didn’t see you coming.” “I-I’m fine…” habol hiningang usal ni Blue nang ituwid siya nito ng tayo. He was tall. Ramdam rin niya ang matigas nitong braso nang mapahawak siya roon kanina. And his smell… Damn. What is happening to her! “I’m sorry— s**t!” Napakunot ang noo ni Blue nang marinig pagpapanic sa boses ng lalaki nang makita ang paparating na grupo ng mga kababaihang emplayado sa likuran nito. “Baka may makakilala sa akin dito, ah! s**t!” Mura na naman nito bago siya binitiwan. “I gotta go! I’m really sorry!” Iyon lang at para na itong hangin na umalis sa harapan niya. Hindi man lang niya naanig ang mukha dahil medyo madilim sa parteng ‘yon ng side walk. Nakasuot pa ng cap at masyado rin itong matangkad. Bumalik ang kaisipan ni Blue sa kasalukuyan nang maalala ang lalaking sumusunod sa kaniya. Mabilis siyang lumingon sa likuran. Nakahinga siya ng maluwag nang hindi na niya ito mamataan sa paligid. Maybe, I was just being paranoid? Pumihit siya paharap at kamuntikang mapahiyaw si Blue sa takot nang bigla na lang nasa harapan na niya ang lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD