Chapter 1

2680 Words
National Documentaries : According to one study, the likelihood of two people sharing the exact facial features is less than 1 in 1 trillion. Put another way, there is only a one in 135 chance that there’s someone out there exists that looks exactly like you on our planet of more than 7 billion people! Hinawi ni Blueberly ang hibla ng buhok na bumagsak sa kaniyang noo sabay sinapo doon ang isang palad. Nagkalat sa harapan niya ang mga resibo at voucher. She is computing the monthly expenses of her small business. Pag-aari ni Blueberly ang Sensational Bites cake shop. Her business was doing well. Thanks to her mom na nagpamana sa kaniya ng skills sa pagbabake at recipe ng mga cake na pinapakinabangan niya ngayon. Graduate siya ng Business Administration. It was not her first choice. She loves baking and cooking gayun pa man ay malaki ang naitulong sa business niya ngayon ang kinuhang kurso. "10,457 plus.. 5,765.. equals.." Nahinto si Blue sa ginagawa nang marinig ang pagtunog door bell. Inipit ang hawak na ballpen sa tainga at hininaan ang TV bago tinungo ang pintuan. Sumilip siya sa peep hole at umikot ang eyeballs nang makilala kung sinong nasa labas. "Ang tagal mo naman! Ang bigat nitong mga dala ko!" Reklamo ng bestfriend niyang si Dylan pagpasok sa loob ng unit. Akap nito sa bisig ang tatlong malalaking paper bags Kinuha niya ang isang paper bag at dumiretso sila sa kitchen. Paglapag sa lamesa Ininspeksyon kaagad ni Blueberly kung kumpleto ba ang mga ingridients na ipinabili. Anniversary ng shop bukas kaya maglalabas sila ng bagong flavor ng cake at cupcakes. Ilang linggo na niyang inaaral ni Blue ang lumang recipe ng mommy niya at kagabi nga perfect na niya ang tamang texture para maging moist ang cake at ang tamang tamis at lasa. Metikulosa si Blue pagdating sa mga cake na binebenta nila sa shop. Mahirap mapahiya sa mga suki nila. At marami na rin ngayong naglalabasang bagong cake shop. Hindi maaring maungusan. They're just starting dapat maitayo na agad ang magandang reputasyon. "Saan ang sukli?" Inilahad niya ang kamay kay Dylan. Hawak naman ang resibo sa isang kamay at sinusuri ang mga nakalista doon. "Hindi ka bumili ng Nutella?" "Ay, wow! Sorry naman, Madam! Sa dalawang kilong flour, asukal, gatas, itlog at sinamahan mo pa ng pancit cantoon! Maalala ko pa ba ang nutella!" "Ano ba 'yan.. alam mong mahalaga yun!" Maktol niya’t pinukol ng masamang tingin ang kaibigan. "Akin na nga ang sukli." "Wala ng sukli." Nagkabit ito ng balikat sabay kuha ng juice sa ref. "Nag-taxi ako. Hindi man lang nga ako nakabili ng juice sa kamamadali mo diyan! Daig mo pa ang jowa ko, ah." "Ano?!" Palatak ni Blue. "Kung ako nga naglalakad lang kapag bibili ng supply sa shop natin! Ikaw naman may pag-taxi pa! Yaman ka gurl?" Oo. Shop nila. Si Dylan ang kasosyo niya sa Sensational Bites cake shop. Napilitan lang talaga siyang kuhaning kasosyso ang long time friend dahil hindi pa niya kaya ang lahat ng gastos noong nagsisimula pa lang ang shop. Masyadong malaki ang upa sa isang commercial building at ang puhunan na pinilit niyang i-loan sa banko. Ngayon, dalawang taon na ang shop. Kahit papaano ay nababawi ng paunti-unti ang ginastos niya. Pero di pa rin sapat para solohin ang pagpapatakbo doon. Willing naman si Dylan na ibenta ang share nito sa kaniya na balak niyang bilhin soon! At kikilalanin ang cake shop niya sa buong bansa! Tulad ng pangarap nila ng yumaong ina. Nag-iipon pa nga lang siya.. Marami rin kasing pinaglalaanan ang kinikita ng shop. Tulad nitong condo na hinuhulugan ng monthly. Nagbabalak pa siyang kumuha ng sasakyan, para kung may mga delivery at bulk orders di na nila kailangang mag-book sa Lala Move or GrabFood. "OA maka-react?" "Ah, basta! Ibabawas ko 'yan sa sweldo mo," aniya't nakasimangot na bumalik sa salas, sumalampak ng upo sa harapan ng center table at pinagpatuloy ang pagkukwenta sa mga bayarin. "At 'yang iniinom mong juice, ichacharge ko rin. Naka-seal pa 'yan." "Ano?!" Bulaslas ni Dylan kamuntik pa maibuga ang iniinom. Sumunod ito sa salas at padaskol na naupo sa sofa. "Ang lala na nang pagiging kuripot mo, Blue! Daig mo pa ang may limang anak. G na G, eh." "G na G?" Kunot noo niya rito. "Gipit na gipit! Teka, tight ba ang budget mo?" "Bakit papautangin mo ako?" Nakataas ang kilay na lingon niya sa kaibigan. Ngumisi ito. "Nagtanong lang papautangin kaagad? Speed lang?" "You know me, Dy. Hanggang maari ipon lang nang ipon para sa'min ni Papa." Inirapan niya ito. "Kumusta pala si Tito Roman?" Lumibot ang tingin ni Dylan sa unit. "Anong nangyari sa buy and sell raket niya?" Isa sa dahilan kung bakit kayod kwarenta anyos si Blue ay ang kaniyang amang si Roman. Hindi ito mapirmi sa bahay. Kung ano-anung raket at business ang pinapasok. Ilang beses na sumali sa networking, ayun naloko. Nag-financial adviser sa isang life insurance, wala namang maipasok na kliyente. At itong huli nag-middle man naman sa isang kakilala na nagbebenta ng second hand cars. Kaso wala pang dalawang buwan— nagloloko na ang mga sasakyang binenta. Hindi naman tumakbo ang mismong seller. Kaya lang ay nadawit pa rin ang Papa sa gusot. At gastos na naman sa parte niya dahil kumuha sila ng abogado at nakipag-areglo. Hinahayaan na lang niya ito sa mga nais gawin. Maybe it was his way of coping after the death of his wife. Pailing-iling na nagsalita si Blue. "Okay na. Nakipag-areglo naman yung mga buyer." "Edi ang laki ng danyos?" "Hindi naman.. wala naman kasalanan ni Papa doon kaya sinagot lahat nung kakilala niyang seller .” "Aba, mabuti naman.. kundi kawawa na naman ako! Ako naman ang mapagbuntunan ng init nang ulo mo kapag walang kang pera." Umiiling itinuon ni Dylan ang paningin sa flat screen TV kung saan nag-flash ang litrato ng sikat na model at actress. Showbiz Balita: The power couple Paige Santillan and Frost Gambles spotted in Bocaray! Marami ang naiinggit nang magpost si Paige sa IG nito ng litrato nila ng boyfriend na producer at director. Hot na hot at talaga namang mas lalong pina-init ng dalawa ang summer. Hindi mapakali ang mga fans! Nag-trending sa twitter ang na #PaigeAndFrostInBora "Alam mo Blue, kamukhang-kamukha mo talaga 'yang artista na 'yan." Napa-angat naman ang ulo ni Blue na subsob sa mga resibo. Napatitig rin siya sa screen. Kumunot ang kaniyang noo nang makitang si Paige Santillan ang tinutukoy ng kaibigan. Paige was wearing a neon pink two piece habang ang lalaki namang kasama nito sa picture ay nakasuot ng black board shorts with nothing on top. They’re both good looking and have a perfect beach body. The sea and the white sand as their background. Maraming nagsasabing relatives at kakilala ni Blue na malaki ang pagkakahawig nila ng naturang artista. Pero para kay Blue ay napakalayo. Di hamak na mas maputi at makinis ang babae sa kaniya. Ikaw ba naman ang maging endorser ng isang kilalang beauty clinic. Nakakasilaw ang kutis nito. Mahaba rin ang buhok with soft curls and light blonde color. Malayo sa brunette na kulay at tuwid niyang buhok. "Ang layo. Hindi ko siya kamukha,” naiiling na wika ni Blue saka ibinalik ang atensyon sa ginagawa. "Anyway.. agahan mo bukas sa shop bukas. I-set mo na yung sound system. Hindi marunong si Trina kung paano 'yon i-set up." Ang tinutukoy niya ay ang kahera nila. "Okay. Ilagay ko na rin ang poster na pinagawa natin. Yung list ng promo?" Tumango siya. "Oo. Ihanda niyo na rin ang mga lobo at maglinis kayong mabuti sa shop." "Okay, Madam Blueberly Dimagiba Ignacio." Umikot ang eyeballs niya't hindi na pinansin si Dylan na patuloy ang pamumuna sa artistang si Paige. Ang nasa isip kasi ni Blue ay ang gaganaping anibersaryo! Panigurado maraming tao bukas. Bukod sa marami silang promo, pay day rin! Tamang-tama talaga! Kikita na naman sila ng malaki! Kaching! Kaching! *** PAGPARADA ng sinasakyang taxi ni Blue sa tapat ng cake shop kaagad siyang bumaba bitbit ang malalaki at magkapatong na box ng caramel apple cake at red velvet mini cupcakes. Hindi na siya nagpasundo kay Dylan dahil inaasahan na niyang madaming customer ngayon. Pero hindi siya prepared na dadagsa ng ganito karami ang tao! Ang pila ay umabot na doon sa kabilang kanto. Tanaw rin niya ang loob ng shop na puno ng mga naka-dine in. Ang pinagtataka niya ay nagtitilian pa ang iba at panay ang kuha ng litraro doon sa shop. Parang may artista naman kung umasta ang mga ito! Naiiling na humakbang si Blue patungo sa shop. The box she's holding was blocking her vision. Idagdag pa ang malakas na sound system at maiingay na customer kaya hindi tuloy niya napansin ang mga papalabas at pasalubong sa dinaraanan niya ngunit bago pa mahawakan ni Blueberly ang handle ng glass door, bigla 'yong bumukas papunta sa kaniya dahilan para tamaan ng pintuan ang bitbit niyang mga box. Nanlaki ang kaniyang mga mata at kitang-kita niya ang paglipad ng cupcakes at cake sa box na diretsong tumilapon sa sahig! Oh, shocks!! Nanghihinang lumuhod si Blueberly sa tabi ng napisang cake at nagkalat na cup cakes sa daan. Nanlulumong hindi niya malaman kung dadamputin pa ba niya iyon at ibabalik sa box or ipapawalis na lang niya kay Dylan mamaya. Ang ilang gabing pinagbuhusan niya ng oras at pinag-aralan, lupa lang ang nakinabang! "Miss, I'm sorry.. I'm really sorry. We didn't see you coming." Nilingon niya ang nagsalita sa kaniyang likuran. Kapwa sila natigilan ng babae. Ang pag-aalala sa anyo nito ay unti-unting napalitan ng pagkamangha nang matitigan siya. Ganoon rin si Blue na parang tumitig sa repleksyon niya sa salamin. "What in hell.." manghang inilapit ng babae ang mukha upang matitigan siyang mabuti. Napaatras si Blue. Hindi rin makapaniwala. She couldn’t utter a single word. Nakatitig lang siya sa babaeng pamilyar ang mukha. "Paige, halika na!" Tili ng kasama nitong bakla. "Dudumugin na tayo dito ng mga fans mo!" Sabay hila sa babae papunta doon sa artista van na nakaparada sa harapan ng shop. "Look at her, Mamshie! She looks exactly like me," palingon-lingon pa na sabi ni Paige bago sumakay sa naghihintay na sasakyan. Tama ba ang narinig niya? Si Paige Santillan ang babaeng ‘yon? Ang laki nga ng pagkakahawig nila. They literally could be twins! Hindi pa sana matatauhan ang tulalang si Blue kundi niya naramdaman ang paglapit ng kaibigang si Dylan. Pinagtulungan nilang pulutin ang cake at cup cakes na nagkalat sa daan. . . "Grabe! kamukhang-kamukha mo talaga siya Blue! Except the hair and eyes color. And also mas matangkad siya sa'yo ng very light. But over all you could be twins!" Inilapag ni Dylan ang dala nitong papercup ng may lamang kape sa harapan niya. Naririto sila ngayon sa mini office nila sa shop. Successful ang celebration ng anniversary kahapon. May panghihinayang lang si Blue dahil tamang-tama sanang i-launch ang bagong flavor ng cake at cup cakes nila. Pero hindi natuloy dahil nga sa nangyaring aberya. Ang dami pa namang nag-aabang na loyal costumer. Oh, well.. there's always a next time. May maganda rin namang dinulot ang pagdating ni Paige. Sa dami ng nag-dine in kahapon makita lang ang artista, malaki ang naging benta nila. Hindi na nga inabot ng gabi ang cakes at cupcakes nila. Sold out kaagad umaga pa lang. Kinuha ni Blue ang paper cup at marahang humigop ng kape. "What did she buy again yesterday?" Tumingala si Dylan, nag-iisip. "Lemon blueberry and red velvet cupcake... I heard recent lang raw niya na-discover itong shop natin.” Patango-tangong sinilip ni Blue ang planner niya at tumitig sa blankong papel. Ano kaya kung gamitin nilang marketing strategy si Paige? Padalhan nila ng libre cupcakes in exchange of posting their product on her social media? “What did she say about our product?” Tanong niya uli kay Dylan. “She loves it! Bumili nga ng dalawang dosenang cupcakes! Alam mo tingin ko buntis ‘yon at naglilihi sa cupcake.” “Alam mo, ikaw tsismoso ka,” umiirap na aniya. “I was thinking of sending her our best seller cupcakes for free.” “Ano? Bakit naman free! Ang dami-dami nung pera!” Tinaasan niya ito ng kilay. “Hindi mo ba naiisip ang nasa isip ko?” Umikot ang eyeballs nito’t dumekwatro. “Gawin daw ba akong manghuhula.. manananggal ako, hindi manghuhula!” “Manananggal?” “Manananggal ng lakas ng mga daks!” Malutong itong tumawa. Nandidiring sinamaan namn niya ito ng tingin. “Whatever. We need to know where we can deliver our cupcakes for Paige. Check mo nga ang sss page niya or DM her on **! Hindi puro lalaki inaatupag mo.” Discreet naman si Dylan, walang makapagsasabing kapederasyon kapag may ibang tao, pero kapag silang dalawa lang uncensored ang mga pinagsasabi sa kaniya at malambot pa sa spaghetti ang pagpilantik ng daliri at pilikmata. “Alam mo masyado kang uptight. You need have fun sometimes! Loosen up! Makipag-date ka naman. Sa edad mong ‘yan lantutay na ang petchay mo! Nakamukhasim pa!” “You consider dating is having fun?” umismid si Blueberly sabay binuksan na ang laptop. “Ang makakapagpasaya lang sa’kin ay pera, pera, pera!” “Ma’am, may naghahanap pong mga tao sa inyo sa labas!” Sabay na bumaling ni Blueberly at Dylan kay Trina na sumungaw sa nakabukas na pintuan ng maliit na opisina. She looked stress out and nervous. Pinagpapawisan pa ang noo at panay ang lingon sa direksyon sa labas ng shop. “Sino bang mga tao ‘yan—" “Papasukin mo sinabi kami! Nasaan ba ang babaeng ‘yan!” galit na sigaw ng babaeng bigla na lang itinulak si Trina na nakaharang sa may pintuan. Nanggagailiti nitong dinuro si Blueberly na nakamaang habang nanatiling nakaupo sa likod ng desk. “Ibalik mo ang pera namin!” “Magnanakaw! Nasaan ang pera namin!” sigaw ng isa pang babae na bigla na lang ring sumugod papasok sa opisina. Napatayo na si Dylan sa inuupuan nito’t mabilisan nagtago sa likuran ni Blue nang magsipasok ang higit limang katao at tulad ng dalawang babaeng nasa harapan ni Blueberly, lahat sila ay nanggagalaiti sa saglit at inaakusahan siya sa kasalanang hindi naman niya ginawa! Never siyang nangutang dahil takot siya sa bayarin kaya anong pinagsasabi ng mga taong ito? Itinaas ni Blueberly ang isang kamay upang patihimikin ang mga ito. Pinipilit niyang maging kalmado kahit pa parang kakainin na siya ng buhay kung makakatitig sa kaniya ang hindi kilalang mga bisita. “Ano pong sinasabi ninyong ibalik ko? Ninakaw? Nagkamali yata kayo ng pinuntahang tao,” malumanay na sabi niya. “Nagkakamali?” inilabas ng babaeng na nasa harapan ni Blueberly ang cellphone at padabog na inilapag iyon sa desk. “Anak ka ni Ramon hindi ba?” Bumaba ang tingin ni Blueberly sa cellphone at nakita ang litrato kasama ang amang ilang linggo nang hindi nagpapakita sa kaniya. “Yes. I’m her daughter.” Bumalik ang tingin niya sa babae. Subalit hindi pa man ito nakakasagot nang biglang tumunog ang cellphone ni Blueberly na nasa bulsa ng suot niyang blazer. Kinuha niya ‘yon at sinagot ang tawag. “Hello—” “Blue, anak.. ang Papa mo ito. I’m sorry.. I’m sorry, anak..” Kaagad na nawala ang ama sa kabilang linya. Alam na niya ang susunod na mangyayari kaya’t walang paligoy-ligoy na dineretso niya ang babaeng nasa harapan. “Magkano ang danyos ni Papa sa inyo?” matatag niyang tanong. Kumita kahapon ang shop kaya confident siyang mababayaran ang danyos ng ama. Pero napamaang si Blue at bigla atang umikot ang paningin niya nang sabihin ng babae ang halagang kailangan niyang bayaran. “Kalahating milyon.” Sabay-sabay na humalukipkip ang mga babae’t itinaas ang mukha, naghahamong tumitig sa kaniya. “At kailangan namin ang pera sa lalong madaling panahon. Kung ” Saan niya kukuhanin ang ganoon kalaking halaga sa lalong madaling panahon?! Eh, kahit ata ibenta niya ang virginity kay Lucifer hindi instant na magkakapera siya ng ganoon kalaki!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD