"Love, let me explain!" Nagpapanic na inisang hakbang ni Frost ang pagitan nila at hinawakan siya sa braso. "It's not what you think—" "Just tell me the truth! Totoo ba? T-Totoo ba na pumayag kang ituloy ang kasal niyo!" At parang hiniwa ang dibdib ni Blue nang dahan-dahang tumango si Frost. Bumagsak ang luhang nag-iipon sa sulok ng mga mata niya. Para 'yong dam na bumuhos. Lahat ng pag-asang nararamdaman niya kanina na sana walang katotohanan ang sinabi ni Paige ay gumuho. All this time, niloloko lang pala siya ni Frost, pinapaaasa, pinapaniwala sa mga kasinungalingan nito. "L-Love..." natatarantang pinahid nito ang namamasa niyang pisngi. "I'm sorry... I'm really sorry." "W-Why?" Patuloy sa pagbagsak ang masaganang luha sa pisngi Blue. "I trusted you, Frost. Binigay ko naman lahat

