“Jusko, Mhie! Ano bang ganap ng lalaking ‘yan? Balak ba niya palitan ang guard dito sa building mo?” Mula sa pagtanaw sa labas ng salaming pader naiiling na naglakad at naupo si Dylan sa tabi ni Blue na nasa couch. “Nandiyan na naman sa labas ang EX mo.” Tukoy nito kay Frost. Apat na araw na ang nakalipas nang huli silang mag-usap ni Frost. Mula noon iniiwasan na niya ang nobyo. Nagpalit siya ng number at mahigpit na inihabilin sa guwardiyang huwag itong papasukin sa building. Pero halos-halos araw-araw naman itong pumupunta sa condo niya at naghihintay sa labas— umaga man o gabi. “Nilinaw mo ba kasi na nakikipag-hiwalay ka na?” Bumuntong hininga si Blue at marahang tumango. “Hindi nga lang siya pumayag.” “At bakit hindi siya papayag, aber? Anong gustong mangyari ng lalaking ‘yan! D

