"B-Bitiwan mo ako..." mahinang usal ni Blue. Inilapat niya ang mga kamay sa dibdib ni Frost upang itulak ang nobyo palayo. Subalit mabilis nitong ipinulupot ang mga braso sa beywang niya. "Let's talk please... just listen to me one more time." "One more time?" Mapait na umiling si Blue. "We've already talked about it. Wala na tayong dapat pag-usap pa, Frost. So, please let me go... at umuwi ka na." "No," Matigas nitong tugon. "Mag-uusap tayo." "Tinapos ko na ang lahat sa atin." Nanunubok na ganti niya. "Tinapos mo. Pero para sa akin hindi pa tayo tapos." "Hindi ikaw ang magdedesisyon niyan." "Neither you." Bumaba ang tingin nito sa sinapupunan niya. "Think about him." Malakas na bumuntong hininga si Blue. Sa anyo ni Frost na puno ng determinasyon ang kislap ng mga mata, alam ni

