"SINO bang ini-stalk mo?" Nakisilip si Rigo na nakaupo sa passenger seat sa bintana ng katabing si Frost na nakaupo naman sa driver na naniningkit ang mga mata. Kasalakuyang nasa loob ng isang itim na sasakyang nakaparada sa harapan ng cakeshop ang dalawa. Ilang araw nang nagmamasid si Frost at isinasama nga ang kaibigan at reklamador na si Rigo. No, choice! Wala siyang ibang mahatak sa kagaguhan, dahil abala ang pinsang si Apollonio. Ilang linggo na ang nakalipas matapos ang 60th anniversary ng Channel six ay napansin na naman ni Frost ang mga pagbabago sa nobyang si Paige. Hindi lang sa pisikal maging sa mga kilos. Ngunit, hindi tulad ng dati na cold at aloof ang trato ng dalaga sa kaniya— ngayon ay kapansin-pansin na pinipilit at sinusubukan nitong maging sweet at maalaga. S

