Nag-iinat na pinuno ni Blueberly ng hangin ang kaniyang dibdib, pagkatapos ay pumikit at tumingala. Maaliwalas ang langit. Hindi masakit sa balat ang sikat ng araw. At sariwa ang simoy ng hangin. Ganitong buhay ang pangarap niya. Tahimik, payapa at malayo sa magulong syudad. Buwan na rin ang dumaan nang mapag-desisyonan ni Blue na magbakasyon muna sa probinsya na kinalakhan niya sa San Ignacio. Kasalukuyang tumutuloy si Blue sa dati nilang bahay kasama ang Lola niya. Actually, iisang malaking bakuran lang sila ng mga kamag-anakan niya roon. Mga pinsan, tito at tita na kapatid ng Papa niya at kaapu-apuhan. Maingay at magulo tuloy. Pero laking pasalamat niya dahil kahit paano naiibsan ang pangungulila niya kay Frost. Hindi naman niya ito planong iwanan o pataguan ng matagal. Nagpaalam

