“Where the f**k are you going?” Pinigilan ni Rigo si Frost sa aktong pagbaba sa sasakyan at pagsugod sa loob ng cafè kung saan natatanaw ng dalawang gunggong si Blue na may kasamang lalaki. Pakiramdam ni Frost umakyat ang lahat ng dugo sa ulo niya. Nang matanggap niya ang text ni Blue na nagpapaalam itong magbabakasyon muna sa probinsya, nagmamadali siyang umuwi sa condo nila— only to find out she left already. Hindi naman raw siya nito, iiwanan at pagtataguan. Gusto lang muna nitong makahinga sa nakakasakal nilang sitwasyon. Naiintindihan naman ‘yon ni Frost. She couldn’t blame her if she wanted to have a peaceful vacation. Ang hindi niya matanggap, bakit naman hindi nito sinabi kung nasaang lupalop ito ng Pilipinas! Hindi rin niya ma-kontak! For the past few days, Frost felt like

