"I've missed you so much..." puno nang pangungulila na bulong ni Frost. Ang inis na nararamdaman ni Blue ay naglahong parang bula. Unti-unting umangat ang mga kamay niya at iniyakap 'yon sa katawan ng binata. "H-How you find me? Paano mo nalaman itong lugar namin?" Malamang sinabi ni Dylan. Ang baklang 'yon lang naman ang pinagsabihan niya kung saan siya pupunta. Sinapo ni Frost ang pisngi niya. Kitang-kita ni Blue ang namumula nitong mga mata. Halatang nagpipigil na maiyak. "I hired a private investigator. Mayroong agency yung kaibigan ko." Hinaplos-haplos pa ang mukha niya. "Why did you that? Bakit hindi ka nagpaalam ng maayos sa akin? Hindi mo ba alam, halos masiraan ako ng bait kahahanap sa 'yo, Love." Blue bit her lower lip. "I'm sorry... sinabi ko naman gusto ko lang magbak

