Nagmamadaling bumaba ng kama si Frost at Blue, dinampot ang mga damit at mabilis na nagbihis saka lumabas ng silid. “Kuuu! Ano bang ginagawa niyo sa loob! Rinig na rinig namin ang tunog ng kama rito sa labas!” Naiiling na sita ni Lola Minda na nabungaran nila sa labas ng pinto. Napangiwi si Blue. “A-Ah… nagpamasahe po kasi ako ng likod rito kay Frost. Medyo sumasakit po kasi dahil malaki na itong tiyan ko.” Pagdadahilan niya. Kumunot ang noo ng matanda. Halatang hindi naniniwala subalit di na nagkomento sa bagay na iyon nang maalala ang tunay na pakay. “O siya! Pumunta na kayo roon sa salas! Kanina pa naghihintay ang mga magulang nitong nobyo mo. Tutungo na rin ako sa kusina para ipahanda sila ng makakain.” Wala sa loob na tinanguhan ni Blue ang Lola niya bago nagtungo na sila ni Fro

