IPINATONG ni Paige ang siko sa ibabaw ng lamesa at salumbaba saka naiinip na inikot ang paningin sa paligid. Kasalukuyang naririto siya sa reception ng kasal ng EX fiancè na si Frost at ang babaeng kamukhang-kamukha niya kahit hindi naman sila magkaanu-ano na si Blueberly. Maingay at masaya ang mga taong nag-cecelebrate at binabati ang mag-asawa. Kabaligtaran sa anyo at nararamdaman ni Paige. Kanina pa niya gustong umalis. Sa katunayan ilang beses siyang humanap ng tiyempo para tumakas subalit sa tuwina’y nakasunod ang tingin sa kaniya ni Blueberly at Tita Catalina. Two years ago naging laman ng mga social media at tabloids ang hindi natuloy— na hihirangin sanang isa sa pinaka-malaki at magarbong kasalan sa kasaysayan ng Philippine Entertainment Industry. Nag-backout si Frost ilang a

