“Look to your right! Yes! Good! Love that!” Tili ng baklang photographer na sunod-sunod ang kuha sa larawan ni Paige. Kasalukuyang nasa isang shoot ng commercial si Paige. Sa bawat ilaw ng flash siya namang project ng dalaga sa harapan ng camera. “Turn around. That’s it show that bumbum!” Bahagyang inarko ni Paige likuran saka inilagay ang kamay sa noo. Tuwang-tuwa naman ang photographer sa mga poses na ibinibigay niya. Bata pa si Paige, hinubog at iminulat na siya ng kaniyang Ina na dati ring aktres sa entertainment industry. She will become the next biggest star, madalas nitong itanim sa batang isipan niya. But to be able for them to achieve that, she has to sacrifice a lot of things along her journey. Friends became her foe. Left and right false rumors spreading about her. She

