Magkakaharap silang apat. Ramdam ni Blue ang matinding tensyon sa pagitan ni Frost na hindi inaalis ang braso sa balita niya at sa EX ni Paige na nakilala niyang si Ralph, na hindi pa maalis-alis ang tingin sa kaniya. Nakakapagtakang bakit hindi kasama ang lalaking ito sa listahan ng mga importante at mga taong mahalaga ang papel sa buhay ni Paige na ibinigay sa kaniya ni Mamshie? Hindi nga rin ito napabalita man lang na na-link kay Paige. Totoo bang EX ito ni Paige? Gwapo naman si Ralph. Matangkad, mestizo, maganda ang pangangatawan. Pero bakit parang ‘di niya matanggap na pumatol sa ibang lalaki si Paige bukod kay Frost. Frost is just so perfect. Sweet, caring, he’s full of surprise not to mention that he’s really good looking and generous in bed. Lahat ng hahanapin ng isang babae

