“And for our last piece tonight!” Umakyat sa platform si Mrs. Mendez ang Ina ni Apollo, bitbit ang isang red velvet handy jewelry na maingat nitong inilapag sa glass high top table na nasa gitna. Binuksan ng ginang ang box at napasinghap ang lahat kasama na si Blueberly. Ang laman ng box ay isang kwentas. Ang lace niyon ay may maliliit na puting bato habang ang pendant ay mas malaki na kulay bright red. Matingkad ‘yong kumikislap at kumikinang. Inakala niyang ang imbitasyon ni Mama Catalina ay isang simpleng gathering lang ng mayayaman. Hindi naman niya akalang may mga pakulo pa pala ‘yon. Katulad nitong auction. At hindi basta-basta ang mga pieces na pinaglalabanang makuha ng mga bidder! Nakakalula ang halaga! “The scarlet’s necklace!” The host declared excitedly. “The bidding will

