HANGGANG sa kinaumagahan iniisip pa rin ni Blueberly ang dalawang weirdong lalaki kahapon. Kung sila nga ba talaga ang pakay ng mga ito or masyado lang silang praning? Sa sobrang paranoid nga niya ay sa condo ni Blue pinatulog si Dylan. Mabuti na rin ang nag-iingat. Hindi naman kasi tulad sa condo ni Paige na mahigpit ang security at hindi nagpapasok ng basta-basta. Dito sa building niya— parang welcome ang lahat! May mga nag-staycation pa nga. Napalingon si Blue na nag-aasikaso sa kusi nang bumukas ang pinto sa guest room. Lumabas mula roon si Dylan na nakasuot pa ng satin pale pink terno pajamas. May suot pa itong cat ears headband at namumuti ang mukha sa kung anong cream na inilagay nito. "May almusal na?" Naglakad ito patungo sa salas, kinuha ang remote at binuksan ang TV bago d

