PAGOD at pabagsak na naupo si Blue sa couch. Isinandal niya ang ulo head rest niyon saka ipinikit ang mga mata. Hanggang ngayon, parang hindi pa rin niya maisip na buntis siya. Sa loob lang ng mahigit isang buwan, ang daming nangyari sa buhay niya. Magkakaanak siya sa sikat na producer at hottest bachelor in town? Kung malalaman siguro ito ng mga kamag-anakan niyang nakatira sa probinsya, malamang ay pagtawanan at sabihan siyang ilusyonada. Wala sa loob na humaplos ang kamay ni Blue sa impis na tiyan. Hindi niya in-expect na magiging ina siya ng ganito ka-aga. She’s just twenty four, struggling in her small business. Hindi rin malaki ang ipon niya. At lalong hindi niya inaasahan, walang amang kagigisnan ang magiging anak niya. But whatever happens— papalakihin niya ng maayos ang bata

