"Meeting adjourn!" Tumayo si Frost mula sa swivel at isa-isang kinamayan ang members of the board na nagsipaglapitan sa kaniya bago lumabas ng conference room. Katatapos lang ng monthly report nila at meeting para sa nalalapit na 60th anniversary ng Channel 6 sa darating na sabado. All is well and planned. May magaganap na launching ng dalawang malaki at bagong proyekto. Naghihintay rin ang awards at prizes para sa mga artista at mga imbitadong kilalang personalidad. This will be the grandest party in the entertainment industry. Ilang buwan itong pinaghandaan ng events organizing company na kinuha mismo ni Frost. "Mr. Gambles!” "Yes, Mr. Gaza." Nakangiting bati ni Frost sa matandang lalaki nang tapikin siya nito sa balikat. Isa ito sa mga stock holder at colleague ng Amang si Fre

