"To your left, Jenna. Yes, that's right!" "Paige, hawakan mo sa balikat si Dom. Good! Nice angle." "Dom, hold their waist." Sa bawat pitik ng camera ay siya namang pag-po-posing nilang tatlo ayon sa utos ng photographer na si River Andrius, asawa ng kilalang fashion designer. Ikatlo at huling araw na ng shooting day nila ngayon. Natapos na ang shoot sa commercial kaya nauna na ring umalis si Direk Levi at naiwan nga itong si River para sa mga larawan na kukuhanan at ilalagay sa catalogue. Ang napili nitong spot ay sa ilalim ng puno ng niyog sa may dalampasigan. Kaakit-akit at hakab ang magandang hubog ng katawan ni Blue sa suot na puting bestida na gawa sa manipis na tela. Nililipad ng hangin ang laylayan niyon. May suot pa siyang koronang gawa sa mga bulaklak kaya nagmukha siyan

