Kaagad na hinawakan ni Blue ang handle ng pintuan at sinubukan iyong buksan. Just like she thought, it's locked! Syempre hindi naman siguro tanga ang abductor niya. Pinilit na kalmahin ni Blue ang sarili. Ilang beses siyang huminga ng malalim. She needs to think not herself, but for her little one. Hinaplos niya ang maumbok na tiyan. Think! Think! Think! Pinagana ni Blue ang isip. Inikot niya ang tingin sa loob ng limousine para humanap ng bagay na pweded niyang ipang-self defense bago pa bumalik ang lalaki. Subalit natigilan siya nang mapansin ang mga dekorasyon roon. Nagkalalat sa sahig ang mga lobong kulay pastel pink, may malaking bouquet ng puting rose sa upuan sa harapan niya at katabi niyon ay isang basket na naglalaman ng mamahaling alak at chocolates! Sandali, anong ibig sa

