"Bakit natahimik ka diyan? Sino ba 'yang nag-text sa 'yo?" Kunot ang noong pag-uusisa ni Dylan nang mapansing natigilan si Blue. Binalingan niya ang kaibigan. "Si Paige." "Huh? At anong kailangan ng babaitang 'yan?" Nagkibit siya ng balikat bago tumipa sa cellphone. "Hindi ko pa naitanong. Wait." Huling beses na nag-usap sila ni Paige noong celebration ng 60th anniversary ng channel 6 ilang buwan na ang nakakaraan— galing sa kung saang lupalop na pinuntahan nito. Hindi man lang nito nabanggit o kahit ni Frost kung anong dahilan bakit bigla na lang itong umalis ng walang paalam. Akala pa niya 'yon na ang huling pagkikita nila— subalit nagtagpo muli ang landas nila noong charity. Blue: What is it that you want us to talk about? Mabilis itong nagreply. Paige: I prefer telling it, p

