Ngumiti si Blue. “Finally…” Tila nawala ang mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib ni Blue. Sa wakas, nakikita na siya ni Frost bilang siya, bilang si Blueberly… it feels so good. "So, now that we officially introduced each other.." umikot ang mga bisig nito sa beywang niya sabay hinila siya papalapit. “Can I say now, Blueberly Ignacio, I’ve fallen in love with you since the first time I saw you.” “Aw… Frost…” Unti-unting bumaba ang mukha nito sa palapit mukha niya. Subalit bago pa man lumalapat ang labi ni Frost sa kaniya, pinigil ‘yon ni Blue ng palad niya. “Sandali!” “Bakit na naman?” Maktol nitong napakamot pa sa batok. “I’ve missed you so much. I just wanted to have a kiss.” Napabuntong hininga si Blue. As much as she wanted to be happy, na sa kabila ng lahat ng nalama

