Chapter 56

1763 Words

NAGISING si Blue mula tumutunog na cellphone. Mula sa nakataklob na comforter sa sarili, inilabas niya ang kamay at kinapa ang gadget na nakapatong sa ibabaw ng night table. Nakapikit pa ang isang mata, tiningnan ni Blue ang oras. Alas sais pa lang. Maaga talaga siyang nag-alarm kaysa normal na gising niya. Aayusin at ihahanda kasi ni Blue ang mga cupcakes na dadalhin sa venue kung saan gaganapin ang charity project ng channel six. Pumihit patagilid si Blue at napangiti habang pinagmamasdan ang natutulog na si Frost. Nakadapa ito. Walang pang-itaas at natatabingan ng kumot ang ibabang bahagi ng katawan na boxer lang ang suot. Habang suot naman niya ang tshirt nito. Dapat ihahatid lang siya nito kagabi, pero ang makulit na lalaki, ayaw nang umuwi. Parang nakisama pa talaga ang panahon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD