NANININGKIT ang mga matang sinundan ni Jenna ng tingin ang babaeng maputi, petite at bob cut ang hairstyle na naglakad papasok sa cake shop. Hindi niya maayos na makita ang mukha nito dahil may kalayuan siya pumarada para hindi mahalata ang minamanmanan. Bumaba ang babae galing sa sasakyang hindi maaring ipagkamali ni Jenna na walang iba kundi kay Frost. Mula noong tapusin nito ang affair nila, parang asong madalas niyang sinisundan ang binata, humahanap ng paraan upang mahawakan ito sa leeg— kaya nakabisado niya ang mga sasakyan na ginagamit nito. Bumalik ang tingin ni Jenna sa kotse at dahil semi tinted ang salamin, anino lang nakikita niyang nakaupo sa likod ng manibela. Pamilyar sa kaniya ang malaking bultong ‘yon na nakabaling ulo sa cake shop. She was precised that it was Fros

