"Hindi pa rin talaga nagbabago ang lasa at texture ng red velvet cupcake niyo!” Natutuwang puri ni Mrs. Toledo. “A-Ah, pinanatili ko po talaga ang lasa at texture kasi ‘yon po ang binabalik-balikan ng mga costumer na tulad niyo, Madam.” Alanganing ani Blue na kanina pa hindi mapakali. “Alam mo ba! Kahit nasa America na kami, ang cupcakes mo pa rin ang hinahanap-hanap ng mga anak ko. Kaya heto, may jetlag pa kami from our flight last night, nagyaya kaagad dito!” Isa si Mrs Toledo sa mga naunang costumer nila noong bago-bago pa lang ang Sensational Bites na ngayon nga ay umuwi galing America kung saan ito nakabase. “Masaya akong naalala pa po pala ng mga anak niyo itong cakeshop namin.” Pasimpleng sinilip ni Blue ang cellphone na nag-vibrate. Nakagat niya ang ibabang labi nang mabasa

