NAKATANAW si Frost sa papalayong sasakyan nang maramdamang may tumabi sa kaniya. Lumingon siya at nakita si Paige na walang emosyong bumaling rin sa kaniya. Huling beses na nag-usap sila ng dalaga ay noong gabing inamin nito na ito at si Blue ay magkaibang tao. Na pinagpanggap ni Paige si Blue upang magkaroon ito ng kalayaan na gawin ang mga bagay na gusto nito. Nakaramdam si Frost ng simpatya para kay Paige. Alam kasi niya kung gaano kahirap ang kumilos at gumalaw na tila ba isa kang robot at de numerong laruan. Hindi ka pwedeng magkamali, hindi ka pwedeng tumanggi. Kaya naman hindi na nagawang magalit ni Frost sa dalaga. Iyon rin naman kasi ang naging daan kung paano sila nagkakilala ni Blueberly. Subalit hindi pa rin siya sang-ayon sa ginawang panloloko ni Paige sa kaniya at pana

