Syempre magagalit si Paige at sasabunutan ang babaeng 'yon. At dahil niloloko nga ito ni Frost, makikipag-hiwalay si Paige! Violà! Solve ang problema niya! Subalit ang inaasahan ni Jenna na magiging reaction ni Paige na maghihisterical ay hindi nangyari. Instead kalmado pa itong nagsalita na tila balewala rito ang ebidensya ng pagtataksil ni Frost. "Are you really that low, Jenna?" Baling nito sa kaniya na walang kahit anong emosyon sa mukha. "Ganyan ba talaga kalaki ang inggit mo sa akin at pati ang relasyon namin ni Frost gusto mong sirain?" Sirain? My god... matagal na silang sira! At si Frost ang sumira niyon nang patulan siya! Gusto sanang isigaw ni Jenna pagmumukha nito. Pero pinigilan niya ang sarili. Hindi ito ang tamang oras para makipag-away sa babaeng 'to. Kailangang ma

