bc

Guarding The Heiress(TAGALOG)

book_age16+
21
FOLLOW
1K
READ
revenge
possessive
goodgirl
princess
drama
mystery
straight
soldier
royal
betrayal
like
intro-logo
Blurb

After the comeback of the royal heiress the envies returns. Mananaig kaya ang kabutihan kaysa sa kasamaan? Captain Johann Diego Marquez was the assigned guardian to guard Princess Isabella Amara Montes, the only daughter of King Mateo Montes I and the heiress of the kingdom.

chap-preview
Free preview
Prologue
“The royal heiress of our kingdom finally came back to the kingdom after studying at two major countries. Her come back made the constituents of the kingdom happy again. Even the twitter is welcoming her with a millions of tweets.” Napatingin ang isang binata sa telebisyon matapos marinig ang pagbabalik ng heiress sa kaharian. Doon pa pala niya napagtanto na ngayon na pala ang pagdadating ng anak ng Haring Mateo ang ika-sampung hari ng Kaharian ng Sapirio. “Captain Marquez, tayo po ba ay maghahanda na sa training?”tanong ng isa sa kawal ng palasyo na parte ng Superior Security Armed Forces. “Oo, kaya pumunta na tayo sa training court”wika ni Captain Marquez. Kaya pumunta na si Captain Marquez sa training court upang sanayin ang iba pang hukbo ng sandatahang lakas ng kaharian. Nang makarating na ang kapitan sa pook na kung saan niya sasanayin ang mga kawal sa tulong ng assistant captain na si Asst. Captain John Patrick. Uminom muna siya ng tubig bago simulan ang pagsasanay sa mga hukbo. Sa kabilang banda... “Maligayang pagbabalik sa ating kaharian, anak.”bati ng hari sa kanyang anak. “Maging ako rin ay natutuwa dahil labis kong na-miss ang ating kaharian lalo na ang ating mga mamamayan.”wika ng anak sa ama. “Halika na, anak”ani ng hari sa kanyang anak upang makabalik na sila sa palasyo. Matapos ang ilang oras na paglalakbay patungong kabisera na kung saan nakatayo ang maharlikang palasyo ng Sapirio ay nakarating na sila. Iginayak na ng royal family driver ang kotse sa garahe ng palasyo samantala ang mag-ama ay nag-yakapan muli at pumasok at sinalubong naman ito ng mga kawal at ng mga tagapag-silbi. “Magbigay-pugay sa bagong dating na prinsesa!”masayang sigaw ng punong-kawal at ng iba pang mga kawal bilang pag-salubong sa heiress. “Mabuhay ang mahal na prinsesa!”Yumuko sila bilang tanda ng respeto sa dalaga at nginitian lamang ito ng dalaga. “Anak, magpahinga ka nalang muna sa iyong silid dahil alam kong pagod ka sa mahabang byahe.”ani ng hari na siya namang tinanguan ng dalagang prinsesa. Pagkapasok ng prinsesa sa kanyang silid ay pumasok na rin ang hari sa silid-tanggapan nito at tinawag nito ang isang kawal na nagbabantay sa kanyang silid-tanggapan. “Kawal, ipatawag mo ang SSAF-Gold dahil may pulong akong ipapatawag.”utos ng hari sa kanyang kawal. “Masusunod, aming kamahalan”wika ng kawal saka nagtungo sa tanggapan ng SSAF-Gold. Matapos ang ilang minuto ay dumating na ang kawal na pinatawag ng hari na puntahan sa kanilang tanggapan ang SSAF-Gold. “Mahal na hari narito na po ang pinapatawag niyo sa akin.”Yumuko ang kawal saka bumalik sa pwesto nito. Agad namang nag-sulputan ang mga miyembro ng SSAF-GOLD. “Magandang araw sa inyo, mahal na hari ano po ang ating pag-uusapan ngayon.”magalang na pananalita ni Captain Johann Diego Marquez. “I want you to form a task force that is focused on the heiress' security, alam niyo naman ngayon ‘di ba.”wika ni Haring Mateo. “It should consist of 20 trained and expert personnels and I'm promoting you to be the head of it.”wika muli ng hari. “Kung iyan po ang gusto niyo ay gagawin din namin ngayon din basta't bigyan niyo lamang kami ng isang linggo upang makapag-plano ng mabuti ukol sa seguridad ng heiress.”sabi ni Captain Johann. “Kung iyan ang nakabubuti ay sige pinapahintulutan ko kayong gawin ang nararapat para mabigyan ng sapat na proteksyon ang heiress.”saad muli ng hari saka sila nagsi-tayuan lahat. “Maraming salamat mahal na hari at salamat po rito dahil babalik na po kami sa headquarters namin.”Yumuko sila bilang respeto sa hari at ngumiti lang ang hari sa kanila.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Husband's Mistress

read
297.7K
bc

My Cold Husband(Tagalog)

read
852.5K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.5K
bc

The Billionaire's Innocent Seductress

read
424.9K
bc

You're Paid (Book1&2)-SPG

read
2.2M
bc

His Cheating Heart

read
41.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook