Andrea Point of View MALUNGKOT akong nagpaalam kanila mama at papa. Ayoko pa sanang umalis pero kinakailangan. Tapos na kasi ang isang linggong bakasyon na ibinigay sa akin na ipinagpapasalamat ko talaga kay maam Alyana. "Paalam na ma. Huwag po kayong mag-alala mama. Baka sa susunod bigyan ako ulit ng bakasyon ng amo ko at makauwi ako ulit dito." Sabi ko kay mama. "Hihintayin namin Andeng. Mag-iingat ka doon ha?" Tumango ako kay mama at nagmano sa kanilang dalawa ni papa tapos ay niyakap ko silang lahat. "Mamimiss ko po kayo." Malungkot kong saad. Nagyakapan kami at naghiwalay na din kalaunan. Bumaling ang atensyon nila kay Rooke na nakamasid lang sa amin. "Ingatan mo ang Andeng namin doon Rooke ha?" Bilin ni mama kay Rooke. "Huwag po kayong mag alala tita. Aalagaan ko po si Andrea

